Umaga – Dining Area, Unang PalapagTahimik ang buong unang palapag, yung klaseng katahimikan na parang kahit paghinga mo, may echo. Malaki ang dining area, malamig sa mata, malinis, parang showroom. Nakaayos na ang almusal sa mahabang mesa: mainit pa ang sinangag, may prutas, tinapay, kape. Kumpleto. Pero walang gumagalaw.Hindi pa kumakain si Emilio.Nasa gilid siya ng dining area, nakaupo sa isang mababang sofa, hawak ang isang makapal na folder ng mga dokumento. Diretso ang likod, seryoso ang mukha, at kahit walang sinasabi, ramdam mo agad ang bigat ng presensya niya. Yung aura niya, parang laging naka-alert mode na parang kahit nakaupo lang, handa pa ring sumabak sa giyera.“Sir,” maingat na sabi ni Yaya Neli mula sa tabi ng mesa, halos pabulong. “Maaari na po kayong kumain. Nakahain na po ang almusal. Mahilig po talagang matulog nang mahaba ang inyong pamangkin.”Hindi agad sumagot si Emilio. Dahan-dahan lang siyang tumingin mula sa dokumento, saka tumingala kay Yaya Neli. Isang
Última actualización : 2026-01-06 Leer más