Akala ni Therese, simple lang ang plano ni Emilio.Sa isip niya, dalawang posibilidad lang ang puwedeng mangyari: alinman ay kukuha ito ng private coach para sa kanya, o dadalhin siya sa isang eksklusibong swimming pool, iiwan doon habang may lesson, at babalik na lang kapag tapos na. Walang drama, walang kung anu-anong dagdag, praktikal, diretso, at very Emilio.Ganito siya palagi. Maayos. Kontrolado. Walang aberya.Pero mali si Therese.Hindi lang mali—kundi sobrang mali.Dahil sa halip na isang coach ang sumalubong sa kanya, si Emilio mismo ang tumayo sa gilid ng pool, naka-swim shorts, tuwalya sa balikat, at may tinging parang matagal na siyang pinagmamasdan.“Simulan na natin,” sabi nito, kalmado ang boses, parang normal na normal lang ang lahat.At doon pa lang, may kung anong kumabog sa dibdib ni Therese.Sa unang limang minuto pa lang, ramdam na niya na hindi talaga “swimming lesson” ang priority ni Emilio. Para bang ginamit lang ang paglangoy bilang isang palusot nito. Isang
최신 업데이트 : 2026-01-14 더 보기