ELENA POV Malamig pa rin ang simoy ng hangin sa Alps, pero sa loob ng cabin, ang init ay nanggagaling sa tatlong laptops na sabay-sabay na umaandar sa ibabaw ng sahig. Si Leo ay nakasandal sa pader, ang mga mata niya ay nakatutok sa monitor habang may kinakagat na sandwich. "Boss, Elena, gising na! Magsisimula na ang hearing sa Hague," sigaw ni Leo. Lumabas si Dante mula sa kwarto, maayos na ang suot—isang simpleng dark blue na polo shirt, pero bakas sa mukha niya ang puyat. Lumapit din ako at umupo sa tabi ni Leo. Sa screen, makikita ang isang virtual courtroom. Naroon ang mga judge, ang mga abugado ng Valderama Global, at ang mga prosecutors mula sa Interpol. "Ready ka na?" tanong ko kay Dante. Tumango siya at umupo sa harap ng laptop. "Kailangan itong matapos, Elena. Para wala na siyang balikan dito sa Europe." Bumukas ang audio ng conference call. Isang matandang judge ang nagsalita. "Mr. Dante Valderama, you are here to provide your final testimony regarding the internal op
Read more