ELENA POV Huminto ang itim na SUV sa isang madilim na eskinita sa gilid ng McArthur Highway. Hindi pa man nakakapatay ng makina si Sofia, ramdam na ang init at alikabok ng Bulacan na sumusuot sa mga siwang ng bintana. "Bakit tayo huminto?" tanong ni Dante. Hindi siya nakatingin kay Sofia kundi sa side mirror, tinitignan kung may sumusunod sa kanila. "Kailangang palitan ang plaka," maikling sagot ni Sofia. Bumaba siya ng sasakyan nang walang alinlangan, bitbit ang isang set ng screwdriver at bagong plaka na galing sa ilalim ng upuan. Sa loob ng sasakyan, hinawakan ko ang tiyan ko. Medyo sumasakit ang likod ko dahil sa tagal ng upo. Lumingon sa akin si Maya mula sa back seat, hawak ang isang maliit na pamaypay. "Ate, okay ka lang? Gusto mo ng tubig?" tanong ni Maya. "Ayos lang, Maya. Medyo malagkit lang ang hangin dito," pilit kong ngiti. Lumingon si Dante sa akin, bahagyang lumambot ang mukha niya. "Konting tiis na lang, Elena. Paglampas natin ng Tarlac, hindi na tayo masyadong
Read more