ELENA POV Napatahimik kaming lahat sa loob ng kubo matapos umalis ng puting SUV. Ramdam ko ang pamamanhid ng mga binti ko, hindi lang dahil sa bigat ng tiyan ko, kundi dahil sa tensyong bumabalot sa amin. Lumapit si Dante sa akin at inalalayan ako paupo sa kawayang upuan. "Hinga nang malalim, Elena," bulong niya. Pinunasan niya ang pawis sa noo ko gamit ang dulo ng kanyang t-shirt. "Dante, kilala niya ang mukha mo. Hawak niya ang litrato ni Dante Rossi," sabi ko, pilit na pinapakalma ang boses ko kahit nanginginig ang mga kamay ko. "Rossi is dead to them, Elena. Pero ang mukha ko, hindi nabubura ng apoy," sagot niya habang nakatingin sa labas. Lumingon siya kay Leo. "Leo, nakuha mo ba ang plate number?" "Naka-scramble, Boss. Pero may nakuha akong reflection sa window bago sila lumiko. I’m running it now," sagot ni Leo habang mabilis na nagta-type. "Pero may mas malaking problema tayo. Paano nila nalaman na may 'bagong lipat' dito?"
Read more