ELENA POV "Dahan-dahan lang, Ate. 'Wag kang magmadali," sabi ni Maya habang inaalalayan akong maupo sa sofa. "Maya, tatlong hakbang lang ang nilakad ko mula sa kusina, hindi ako tumakbo ng marathon," biro ko, pero sa totoo lang, ramdam ko na talaga ang bigat ng tiyan ko. Pumasok si Sofia mula sa surveillance room, dala ang isang bag na laging nakahanda. Inilapag niya ito sa lamesa at isa-isang tiningnan ang laman. "Sofia, para saan 'yan? May pupuntahan ba tayo?" tanong ko. "Wala naman, Elena. Pero simula ngayon, double check na lahat ng medical supplies natin. Mahirap na kung bigla kang mag-labor sa madaling araw," seryosong sagot ni Sofia. "May balita ba sa labas?" singit ni Dante na kakababa lang mula sa itaas. Agad siyang lumapit sa akin at humawak sa kamay ko. "Tahimik pa rin, Boss," sagot ni Leo habang nakatitig sa laptop. "Pero may napansin ako sa main road, mga limang kilometro mula rito. May isang itim na van na pabalik-balik kanina pang umaga." Biglang sumeryoso ang m
Read more