ELENA POV Huling araw na namin dito sa farmhouse bago kami bumalik sa Rome para sa aming flight pauwi ng Pilipinas. Imbes na magmadali sa pagliligpit ng gamit, nag-decide kami na gawing sobrang chill lang ang umaga. Nakaupo ako sa damuhan, pinapanood si Hope na sinusubukang gumapang palapit kay Whitey na abala naman sa paghabol sa isang tutubi. "Ate, tingnan mo si Whitey, feeling niya talaga local dog na siya rito," tawa ni Maya habang lumalabas ng pinto, bitbit ang dalawang baso ng freshly squeezed orange juice. Inabutan niya ako ng isa bago siya sumalampak sa tabi ko. "Sana ganyan din tayo kabilis mag-adjust, 'no? Parang kailan lang, takot na takot tayong lumabas ng bahay sa Manila," sabi ko habang humihigop ng juice. Ang asim-tamis ng lasa, sobrang presko. "True. Pero alam mo, Ate, parang ayaw ko pang umuwi. Pwede bang mag-extend kahit one month lang? I promise mag-aaral ako ng Italian nang seryoso," biro ni Maya. "Naku, si Kuya mo ang tanungin mo niyan. Siguradong tambak na a
Read more