"Ang harsh mo sa kanya. Baka mamaya malaman namin, pinaghihigpitan mo na siya at hinahawakan nang mahigpit... sa bewang." Sinabayan iyon ng tawa ni Lorenzo kaya't maging si Juancho at Pedro ay humalakhak.Nagsalubong ang mga kilay ni Gustavo at nainis sa kaibigan."Hindi 'yan mangyayari. Hindi ako pumapatol sa empleyado," malamig na tugon niya.Lalong ngumisi si Lorenzo, "Kunwari hindi natin alam na nagbayad ka ng babae noon—""Get lost, Lorenzo. Tinatakwil na kita bilang ninong ng mga anak ko." Si Gustavo naman ang ngumisi sa kaibigan noong mamilog ang mga mata nito."No freaking way! Hindi ko pa nga natuturuang mag the moves si Giovanni at Gavin tapos tatanggalan mo na ako ng karapatan? Ang killjoy mo, Gustavo.""Habang tumatagal, lalo siyang sumusungit," komento ni Juancho, tinutukoy ay si Gustavo na nagsusungit."Hindi na kasi siya nakasisisid ng perlas ng silangan," dagdag ni Pedro.Tumango si Lorenzo, "Kaya nga. Opisina at bahay na lang ang buhay niya simula noong dumating ang t
Last Updated : 2026-01-13 Read more