Nasabunot ni Gustavo ang buhok at lumagok sa alak. Kanina pa tumatawa ang mga kaibigan niya matapos niyang magtanong paano manligaw."Humingi ka pa ng pagkarami-raming condom tapos kailangan mo naman manligaw muna," asar sa kanya ni Juancho.Nasa loob sila ng bar. Matalim na ang titig niya sa alak. Put*ngna! Bakit ba ang hirap kuhanin ni Angelita?"Kaya pala nagyaya ka ng bar. Problemado ka pala," dagdag na asar ni Pedro na lumagok sa whiskey nitong hawak."Tama naman ang sekretarya mo. Kung gusto mo siya, ligawan mo," makahulugang bigkas ni Lorenzo.Lumipad dito ang matalim niyang titig. Seryoso pa itong sinalubong ang titig niya."Kaya nga ako nagtatanong kung paano, di ba?" sarkastikong bigkas niya.Umangat ang gilid ng labi ni Lorenzo pero hindi sumagot kaya't marahas siyang huminga at uminom muli ng alak.Wala yatang balak ang kaibigan niya na tulungan siya."Bilhan mo ng bulaklak, tsokolate, manood kayo ng sine. Ano pa ba? Ah, kumain kayo sa labas!" suhestiyon ni Juancho.Napaay
Last Updated : 2026-02-01 Read more