Hindi naman mapakali si Pedro. Tatayo paalis sa swivel chair niya tapos ay uupo muli.Simula noong makita niya si Kaia at Posey, hindi na siya matahimik.Agad niyang tinawagan si Jeric."Sir, wala pa po akong lead kay Miss Kaia—" "Tss. Don't bother. Nakita ko na siya nang personal.... kasama ang anak ko.""Anak mo po?! Buntis po si Miss Kaia noong iwan kayo?" gulat na tanong ni Jeric."Hindi ba iyon naman talaga ang rason kaya ko siya pinapahanap sa'yo?" sarkastikong paalala niya sa private investigator niya."Eheh, akala ko kasi sa teleserye lang nangyayari iyon, Sir. Sa inyo rin pala no?" alanganing pa itong tumawa sa dulo."Whatever. I want you to do something," masungit na utos ni Pedro kay Jeric.Napaungol si Jeric, "Lagi naman, Sir—" "Susunod ka ba o hindi kita babayaran?" banta niya sa lalaki kaya napaubo si Jeric."Joke lang, Sir. Nakita niyo na nga si Miss Kaia, sungit pa rin kayo," komento ni Jeric na hindi na pinansin ni Pedro."Hanapin mo sa data base ang pangalan ni Pos
Read more