Hindi naman mapakali si Kaia at agad na kinausap si Posey."Baby, iyong about kay Mister, huwag mong sabihin sa Daddy mo ah?"Nagtataka itong nag-angat ng tingin sa kanya, "Bakit po, Mommy? Magagalit po ba si Daddy?"Mabigat na huminga si Kaia, "Hindi pero di ba, bawal tayong makipag-usap sa hindi natin kilala?""Huh? Pero hindi naman po stranger si Mister. Di ba po friends sila ni Daddy?" tanong pa nito.Napapikit na si Kaia. Paano ba niya sasabihin sa anak niya na magwawala si Keith kapag nalamang kumausap siya ng lalaki sa labas ng bahay?Hinawakan niya sa balikat si Posey, "Hindi kasi sila friends, Baby. Magkakilala lang pero hindi magkaibigan," pagpapaintindi niya.Kumunot noo lalo si Posey, "Pero bakit hindi sila friends, Mommy? Bad po ba si Mister?"Lalo siyang nahirapang sumagot dito, "Hindi, Baby. Hindi bad si Mister. Hindi lang sila friends ng Daddy mo. Basta, huwag mo na lang banggitin sa Daddy mo ah?""Magla-lie po ako kay Daddy?" muling tanong nito.Napakamot na sa ulo si
Read more