Hindi mawala ang kaba ni Kaia. Ngiting-ngiti na rin ang tatlo sa kanya. Nagpakilala na ang mga ito at masasabi niya na lahat sila mababait at maasahan."Smile, Kaia. Dalawang operation ang nalagpasan mo. Kayang-kaya mo ring harapin itong kasal mo," pang-motivate pa sa kanya ni Angel.Ngumiti siya rito ngunit nahagip ng mata niya si Posey na nakatitig sa kanya."Baby, come here," tawag niya rito.Alanganin pa itong lumapit at nahihiya yata sa mga bisita nila."Doon muna kami sa labas, Kaia. Talk to her. She will understand," bigkas muli ni Angel at niyakag na ang dalawa pabalas ng kwarto.Doon pa lang lumapit sa kanya si Posey. Para itong maiiyak."You look so pretty, M-ommy," bigkas nito pero pumiyok naman ang boses sa dulo."My baby, are you crying, hm?" Binuhat niya ito at inupo sa kandungan niya.Bumagsak na ang mga luha nito, "K-asi, ikakasal ikaw kay Mister. Hindi mo na love si Daddy Keith ko?"Niyakap niya tuloy ito nang mahigpit sa tanong nito."Baby, naalala mo iyong sinabi ni
Read more