Napayuko na lang si Kaia at mahigpit na napakapit sa kumot.Alam niyang nasira niya ang tiwala ng Ginang sa kanya noon. Nahihiya tuloy siyang humarap dito ngayon."Mom, please," may babala ang tono ni Pedro at agad na tumayo upang takpan si Kaia sa ina niya.Humalukipkip ang Ginang tapos ay dumako agad ang titig kay Posey na nakaupo sa kama. Lumambing ang mukha niya at ngumiti agad sa apo niya."Hi, Darling, I'm your Grandma," pagkausap nito kay Posey.Bahagyang kumunot ang noo ni Posey, "Ayaw ko po sa inyo. Ni-away niyo ang Mommy ko!"Namilog ang mga mata ni Helena sa sigaw nito.Lalo tuloy nataranta si Kaia sa inasal ng anak."Posey, no. Don't say that," mahinang suway niya sa anak.Huminga nang malalim si Helena at dumukwang upang makalapit kay Posey. Aabutin pa lang sana niya ang kamay nito ngunit gumapang na ito agad papunta kay Kaia at yumakap."I don't like you. You hate my mommy," hinanakit nito sa Ginang."But I'm your Daddy's father, Darling," paglalambing dito ni Helena ngu
Read more