تسجيل الدخولAy, naunahan ka, Denmark. Hahaha
France’s POVThe moment na nalanghap ko ang pamilyar na pabango ng nagbuhat sa akin, hindi na ako kumilos. Kilala ko ang nagmamay-ari ng pabango na iyon. Hindi ko na tuloy nagawang magmulat ng mata dahil ayokong makausap siya. Bakit siya bumalik? I thought makakapagpahinga ako kahit saglit.Mayamaya ay narinig ko ang pagbukas niya ng pintuan kaya kinabahan ako.“Where are you going to take me?” naiboses ko nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Kasunod niyon ang pagmulat ko.“To my room,” nakangiting sagot ni Denmark nang magbaba nang tingin sa akin. “So, close your eyes again and pretend you’re sleeping.”Imbes na pumikit, sinamaan ko siya nang tingin. “Ibaba mo ako, Denmark.”Tiningnan niya lang ako. “Isa,” ani ko pa.Tinawanan lang ako ni Denmark. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng isang unit.Oh, no!“Sabi nang ibaba—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang marinig ang boses ng ama at ng kapatid na si Kai. Mukhang papalapit sila sa amin kay
Denmark’s POVILANG tawag din ako sa bahay ng mga Alva bago may sumagot. Nang tanungin ko kung nandoon si France, agad akong nagpadala ng text kay France na dadaanan ko siya. Gusto ko siyang ihatid ngayong gabi. Well, iisa lang naman ang pupuntahan namin kaya balak kong ihatid si France. Wala naman sigurong masama, right? We’re business partners, after all.Nagbaba ako nang tingin sa cellphone nang umilaw iyon. Sumilay din ang magandag ngiti sa aking labi nang makita ang pangalan ng dating asawa.“Damn it!” Napatayo ako kapagkuwan nang mabasa ang reply nito.Bakit hindi niya ako kilala? Did she really delete my number? “Fvck!” hindi ko na napigilang isatinig ito. Naiukuyom ko rin ang kamao ko mayamaya. Lalo na nang sabihin niyang hindi naman naka-save ang number ko.Kirot sa dibdib na naman ang naramdaman ko. Talagang maraming nagbago kay France. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan…Napailing ako kapagkuwan bago siya ni-replyan.Friendship. ‘Yan na lang muna siguro ang i-workout
France’s POVMamaya na ang private gala ng Alva Group para sa pagbabalik ko at sa opisyal na announcement ng bago naming business venture ng mga Mondragon.Gaganapin ang event sa isang five-star hotel ballroom na eksklusibong inilaan para sa mga invited guests. Ilang business partners, investors, at mga kilalang personalidad sa business industry ang inaasahang dadalo. Kaya ganoon na lang ako ka-busy.Umaga pa lang, dumating na ang team na mag-aayos sa akin. May hair and makeup artist, stylist, at isang assistant na dala ang ilang gowns na pagpipilian ko para sa event. Masyado pa akong naaagahan kaya pinagpahinga ko muna sila habang iniisa-isa ko ang mga kailangan kong gawin bago ang gala.Mamaya, hindi lang pagbabalik ko sa Alva Group ang pag-uusapan. Sa harap ng mga importanteng tao sa business world, opisyal na rin naming iaanunsyo ni Denmark ang partnership ng Alva at Mondragon.At sa totoo lang, hindi ko alam kung alin ang mas kinakabahan ako, ang announcement ng business venture n
France’s POVHINDI ko maiwasang tingnan nang masama si Denmark matapos na maitulak siya. Nagawa kong makawaala sa yakap niya mayamaya nang maramdaman ang pagluwag ng yakap niya sa akin, sinamantala ko iyon para makawala sa kanya.“Wala akong pakialam sa nararamdaman mo ngayon, Mr. Mondragon.” Halata ang inis sa aking himig at siya naman ay kalmadong nakangiting inaayos lang ang suot na suit na bahagyang nagusot. “At nandito ka ngayon dahil sa business proposal ko para sa joint venture na ito, kaya pwede bang maging professional ka naman?”“I’m sorry, nakalimot lang ako, Mrs. Mondragon—”“Ms. Alva,” pagtatama ko. “Right.” Kumamot na naman siya ulo niya. “Ang bilis ko talagang makalimot lately talaga.”Hindi ko alam kung maniniwala sa akanya, pero alam ko ang ginagawa niya ngayon, iniinis niya ako.“I know exactly what you’re doing, Mr. Mondragon.”“Oh, really?” Hindi inaalis ang ngiti sa labi niya. “What is it, dear wife?”Napapikit ako sa huling tanong niya. Ang kulit niya. Alam nama
France’s POVMAAGA akong gumising nang araw na iyon. Umuwi ako ng bahay dahil pag-uusapan namin ang tungkol sa venture na gagawin ng kumpanya with Mondragon. Nang makatanggap ako ng mensahe na iyon galing sa ama, umuwi ako ng bahay. Usually, during breakfast or after namin pinag-uusapan ang mga bagay-bagay kaya sa bahay na ako natulog.“Morning.” Ngumiti ako sa magulang at isa-isang nilapitan ang mga ito para makipagbeso.“Anak, masyado mo namang inaabala ang sarili mo sa trabaho. Kakauwi mo lang, ‘di ba?” ang inang si Jalene.“Okay lang po ako, Mommy. Kaya naman po.”Saglit niya akong tinitigan bago nagsalitang muli. “Sure?”“Opo,” magalang kong sabi.Tumango na lang siya. Saktong dumating na ang kapatid na si Kai mula sa bahay niya.“Good morning,” nakangiting bati niya sa amin. “Maupo ka na, anak.” Ang amang si Frank. Nilinga pa niya ang mata. “Wala ang mag-ina mo?” tanong niya sa kapatid.“Pinaiwan ko muna dahil napagod kagabi si Nina.” Nakita ko ang pag-iling ng ama. Nagsimula n
France’s POV“Jericho! Neil!” hindi makapaniwalang sambit ko sa mga pangalan nila nang makilala sila. “Anong ginagawa niyo rito?”Tumingin pa ako sa ibang kasama niya at may hinanap. Si Dee.Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot nang hindi siya makita. Maybe may mission kaya wala siya rito.“Akala ko namamalikmata lang ako, hindi pala.” Si Neil. “Kumusta ka na, Miss Cess? Okay ka na?”Natigilan ako sa tanong niya. Okay na ba ako?Actually, ‘yong pagdukot sa akin ni Kaseem, natakot ako, pero nang mapunta ako sa grupo nila Dee, nawala siya bigla. Hindi ko alam kung bakit. Comfortable ako. Na para bang matagal ko na silang kasama lalo na si… Dee. How is he anyway?Nahiya akong tanungin sila. Nasa akin ang number niya pero na-realize kong babae nga pala ako. Hindi na ako ang dating France.Pinilig ko ang ulo ko para palisin sa isipan ko si Dee. “Okay naman. Kayo ba? Anong ginagawa niyo rito?”“Bonding lang. Free time, e.”“I see.”“Gusto mo bang sumama sa amin? Dyan lang kami s
France’s POVNASAPO ko ang bibig ko nang madatnan si Denmark at ang nobya niya na nasa intimate scene. Nakaupo ang babae sa counter tapos nakapaloob si Denmark sa hita niya habang mapusok na nakikipaghalikan. “I love you, Denmark,” ani ng babae na ikinalabi ko.Hindi ko kayang marinig ang reply ni
France’s POVTAHIMIK lang ako dahil hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Panay ang alok sa akin ni Denmark kaya napuno ang plato ko. Hindi ko tinatanggihan dahil gusto ko naman na pinagsisilbihan niya ako. First time niyang gawin ito sa akin kaya hinayaan ko siya.“Oh my God! Baka tum
Denmark’s POVNAGISING ako sa dalawang boses na nag-uusap bandang pintuan. Si France agad ang pumasok sa aking isipan. Walang nagawa talaga ang batang ito kung hindi ang inisin ako. Ang aga-aga.“Who’s there?!” Sa talas ng pandinig ko, dinig ko ang paa ng isang nagmamadali, walang iba kung hindi s
France’s POVARAW ng linggo kaya maaga akong gumising. Pagkatapos maligo ay kumatok ako sa silid ni Denmark, subalit walang response mula sa loob, kaya sumilip ako. Nakahiga pa siya. Wala siyang suot na pang-itaas at kumot lang ang nakabalot sa baba niya. Napansin ko nang hindi iyon naka-lock. Pe







