INICIAR SESIÓNAhay. late ka na, Denmark.
Denmark’s POV Ewan ko lang kung napansin ni Mr. Noi ang pagbagsak ng aking balikat dahil sa sinabi niya.Honestly, hindi ko ini-expect na magkakaron ng ibang lalaking magugustuhan si France. She loves me. I mean, hindi ko pa na-imagine na may iba siya. Pero nasa harapan ko na ang patunay na kaya niyang magkaroon ng iba. The way siya ngumiti kay Mr. Noi nang kawayan nito ang dating asawa. That smile. Hindi ko pa nakita ang ganyang kasayang ngiti.Or maybe maraming nagbago sa kanya?Nawala ako bigla sa sarili ko. Kinuha ko ang kopitang ilalapag pa lang sana ng waiter, at tinungga iyon. Nagpokus na lang muna ako kay Mr. Noi. Hindi ko pa nakikita ang hinahanap namin. At habang abala si Mr. Noi sa pagkukuwento, hindi ko naiiwasan na mapatingin sa dating asawa.Hindi maikakailang gustong-gusto niya ang ginagawa niya. Napansin ko rin ang mga tingin ng mga naroon sa dating asawa, puno ng pagkagusto kaya naiinis ako.Mas lalo akong nainis nang lapitan ni Kaseem Noi si France. May dala iton
Kaseem Noi’s POV Nakatitig lang ako sa magandang DJ na nasa gitna ng entabladong iyon. Halos wala akong absent sa pagpunta rito sa Knight Club simula nang makita ko ang magandang DJ na iyon, na isang Filipina. “Phom chôrp thoe,” naisatinig ko. Napatingin sa akin ang may-ari ng Knight Club na iyon na si Henry Brook, isang British, na under my protection. “I’d suggest you find someone else to pursue. Ces is off-limits. She’s the daughter of a close friend of mine, and while she’s here, she’s under my protection,” ani ni Mr Brook. Napangiti ako. “But I like her, my friend.” Hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang sinulyapan ko ang dalagang masayang umiindayog sa tugtog na kanyang isinalang. Alam kong hindi niya ako papayagang ligawan si Ces, kaya ibinaling ko na lang ang usapan sa negosyo. “Fair enough. Then let me hire her as the DJ for my private party this Saturday. I'll pay whatever her rate is.” Ilang sandaling pinagmasdan ni Mr Brook ang mukha ko bago siya marahang tuma
France's POV EWAN ba, simula nang matuto akong pumasok ng club minahal ko na ang mundong ito. Basta makarinig lang ako ng tugtog, sumasabay na ang katawan ko. Automatic na actually. Hindi ako magaling sumayaw talaga. Hindi rin ako sumasali sa kung ano man noon pero na-discover kong marunong ako. Sabi ko nga baka kako inambunan ako ng mga magagaling. Ito ‘yong mga panahong na-inlove sa mga club na may mga DJ. Pati nga raw ang ngiti ko sumasabay kaya mas lalo raw akong gumaganda. Lumalabas ang malakas sex appeal ko. Before, hindi ko nakikita ‘yan, pero nang sabihin na iyan ng napakaraming taong nakakakita sa akin, niyakap ko na. Gaya ngayon, parang lumalaki na naman ang tainga ko sa mga naririnig na papuri mula sa mga bisita ni Kaseem Noi. Isang mayamang Thailander. Kita rin sa paligid kung gaano sila kayaman. Tinanggal ko ang headphone ko mayamaya para maisalang na rin ang sunod na tugtog. “Hey.” Bahagya akong bumaling kay Amy. “Kanina pa siya nakatitig sa ‘yo,” dinig kong
France's POV NAKAHINGA ako nang maluwag nang maisara ang pintuan ng sasakyan ng kapatid. Mabuti na lang at tinted ang gamit niya, hindi kita ang nasa loob.Nakaharang si Kai sa pintuan tapos nakaharap kay Denmark kaya hindi ko makita ang mukha ng dating asawa.It’s been four years since we last saw each other. Hindi ko alam kung ganoon pa rin siya kakisig o mas naging kahanga-hanga. Kanina ko pa iniisip kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nagkita na kami, pero hindi ko naman akalain na ngayon din magku-krus ang landas namin. Hindi pa pala ako handa. ‘Yong pagkatigil at takot na naramdaman ko, masasabi kong hindi pa nga ako handa. May sumisigaw sa aking isipan na silipin ang dating asawa, pero hindi ko pa rin sinunod ang nasa isipan ko. Hindi ko naman na alam kung mahal ko pa siya. Curious lang ako sa buhay niya ngayon. Wala na akong balita sa kanya. Hindi dahil sa Mayamaya lang ay umalis na ang dating asawa. Tanging likuran na lang niya ang nakita ko dahil may naghihintay na s
Denmark's POVMaingay na hiyawan mula sa mga tao ang bumungad sa amin nang makapasok kami sa Knight Club, na sinabayan naman ng maharot na tugtog. Ang nagpapaingay ay ang mismong DJ na nasa gitna ng stage na pinagkukumpulan ng mga tao. Halos hindi na kita ito sa sobrang dami ng taong nagkakasiyahan.“Sobrang dami bisita ng club na ito. Akala mo may piyestahan!” malakas na sigaw ni Jericho sa akin.Napangiti na lang ako dahil talaga naman ngang maraming tao. Pero hindi kami nagpunta rito para magsaya.Inilinga ko ang mata ko. Paano namin makikita ang sadya rito sa sobrang daming tao? Tumingin ako kay Neil na noo’y sumasabay na sa sayaw. Ganoon din si Jericho kaya napailing na lang ako. Bahagyang lumuwag ang stage kung saan naroon ang DJ, subalit hindi ko makita ang mukha nito dahil sa mga usok at neon lights na nakapaligid. Ang nakita ko lang ay ang magandang katawan niyang sumasabay sa indayog ng tugtog na mula sa equipment niya.Humiwalay sa akin ang dalawa mayamaya dahil maghahana
France’s POVNAKAILANG sipat din ako sa address na binigay ng kapatid na si Kai bago bumaba ng sasakyan. Magkikita kami ngayon sa kainang ito. Hindi siya gaanong pinupuntahan ng tao pero mukha namang maayos ang loob. Knowing Kai, maayos at malinis dapat ang loob. Maarte pa naman ‘yon sa paligid. Hindi naman siya nangangati kapag madumi, ayaw lang niya talagang nakakakita no’n. Feeling niya kasi, hindi siya nakakapag-isip ng maayos kaya dapat na maayos at malinis ang paligid. Pero simula nang mag-asawa naman siya, nabawasan na ang pagiging ganoon ng kapatid. Mas maarte pa nga siya kaysa sa akin.Gaya ng inaasahan ko, napakalinis ng kainang iyon. Sobrang ganda rin pala ng interior niya at mukhang may mga kaya ang pumapasok rito. Kaya naman pala hindi gaanong pasukin ng mga normal na mga mamamayan rito.Agad na inilinga ko ang mga mata ko. Nang magtagpo ang paningin namin ng kapatid, tumayo siya sa kinauupuan at sinalubong ako.Isang mahigpit na yakap ang ginawa niya na ikinatugon ko rin
France’s POVNASAPO ko ang bibig ko nang madatnan si Denmark at ang nobya niya na nasa intimate scene. Nakaupo ang babae sa counter tapos nakapaloob si Denmark sa hita niya habang mapusok na nakikipaghalikan. “I love you, Denmark,” ani ng babae na ikinalabi ko.Hindi ko kayang marinig ang reply ni
France’s POVTAHIMIK lang ako dahil hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila. Panay ang alok sa akin ni Denmark kaya napuno ang plato ko. Hindi ko tinatanggihan dahil gusto ko naman na pinagsisilbihan niya ako. First time niyang gawin ito sa akin kaya hinayaan ko siya.“Oh my God! Baka tum
Denmark’s POVNAGISING ako sa dalawang boses na nag-uusap bandang pintuan. Si France agad ang pumasok sa aking isipan. Walang nagawa talaga ang batang ito kung hindi ang inisin ako. Ang aga-aga.“Who’s there?!” Sa talas ng pandinig ko, dinig ko ang paa ng isang nagmamadali, walang iba kung hindi s
France’s POVARAW ng linggo kaya maaga akong gumising. Pagkatapos maligo ay kumatok ako sa silid ni Denmark, subalit walang response mula sa loob, kaya sumilip ako. Nakahiga pa siya. Wala siyang suot na pang-itaas at kumot lang ang nakabalot sa baba niya. Napansin ko nang hindi iyon naka-lock. Pe







