LOGINCHAPTER 238Mabilis naman na lumipas ang isang linggo at ngayon na nga ang araw na inihatid na nila sa huling hantungan si Joseph. Isang linggo rin nilang ibinurol si Joseph at kung pwede nga lang na magtagal pa ito roon ay gagawin nila kaso ay hindi naman maaari na hindi nila ito ilibing.Bumuhos din talaga ang pakikiramay sa pamilya ni Joseph at halos lahat ng mga ito ay nabigla rin talaga sa nangyari rito. Ilan din sa mga nakiramay sa pamilya nila ay ang mga kasosyo ng pamilya nila sa negosyo, mga malalapit na kaibigan, mga kapamilya nila na nagmula pa sa iba’t ibang lugar at maging ang mga malalapit na kaibigan ni Joseph ay nagpunta rin doon.Matapos na maihatid sa huling hantungan si Joseph ay muli ng bumalik sa mansyon ang kanyang pamilya at halos lahat sila ay natutulala na lamang din dahil hanggang ngayon ay parang hindi pa rin sila makapaniwala na wala na talaga si Joseph.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Randy bago siya tumikhim upang maagaw ang ate
CHAPTER 237Kinabukasan naman ay maagang maaga na dumating sa mansyon ang katawan ni Joseph. Umaga na kasi ito naibyahe at matyaga rin naman itong hinintay nila Jonathan, Pamela at Veronica.Napagpasyahan na rin nila na sa mansyon na lang iburol ang labi ni Joseph. Mahirap man sa kanila na makitang wala na itong buhay ay gusto nila na doon ito sa mansyon iburol dahil sa ito rin ang naging tahanan nito noong bata pa ito.Habang ipinapasok sa loob ng mansyon ang katawan ni Joseph ay hindi na talaga nila napigilan pa ang pag agos ng masaganang luha sa kanilang mga mata. Hindi nila akalain na ang masaya sana nilang selebrasyon ng pag iisang dibdib nila Joseph at Veronica ay mauuwi pala sa isang hindi magandang pangyayari.Tahimik naman na umiiyak si Maxene habang nakatitig sa kabaong ni Joseph at napayakap na lang din talaga siya kay Bernard dahil parang hindi niya kayang makita si Joseph sa ganoong kalagayan. Habang si Bernard naman ay yinakap na lang din si Maxene habang pinipigilan ni
CHAPTER 236Makalipas naman ang ilang oras ay dumating na rin naman ang kanilang sundo at sama sama na lang din sila sa iisang sasakyan pabalik ng mansyon. Bukod sa kanila ay kasama rin nila sa sasakyan ang dalawa pang nakababatang kapatid ni Joseph na kanina pa walang tigil sa pag iyak.Inabot din nang mahigit isang oras ang naging byahe nila pabalik ng mansyon at pagkarating nila roon ay nakabibinging katahimikan na kaagad ang bumungad sa kanila.Pinadiretso na rin muna ni Diana ang kanyang dalawang apo na sila Nathan at Patricia sa isang silid doon dahil kanina pa nga ito iyak ng iyak kaya pinagpahinga na rin muna niya ang mga ito. Habang sila baby Joshua at baby Dyron naman ay dinala na rin muna sa isang silid pa roon dahil tulog na tulog na nga ang mga ito dahil malalim na rin talaga ang gabi.Naiwan naman sa sala sila Diana, Bernard at Maxene na naghihintay ng balita kila Jonathan at Randy.Maya maya pa ay dumating na rin naman si Randy da mansyon at nang makita nito ang tatlo n
CHAPTER 235“Ayos ka lang ba? Ikalma mo lang ang sarili mo dahil baka kung ano pa ang mangyari sa’yo. Tandaan mo kakagaling lang natin sa ospital at ayoko naman na kung ano na naman ang mangyari sa’yo dahil sa sobrang pag iisip mo,” puno ng pag aalala na sabi ni Bernard kay Maxene at saka niya hinawakan ang kamay nito.Napatingin naman si Maxene kay Bernard at saka siya bumuntong hininga rin.“A-Ano ba talaga ang nangyari kanina? Paanong nabaril si Joseph ni Irish gayong ako naman ang hawak niya kanina? Bakit siya binaril ni Irish?” sunod sunod na tanong ni Maxene rito dahil nagtataka talaga siya kung bakit ito binaril ni Irish.Saglit naman na natahimik si Bernard at hindi niya malaman kung tama ba na sabihin niya kay Maxene ang mga nangyari dahil baka sisihin lang nito ang sarili niya sa nangyari kay Joseph.“Bernard, sabihin mo sa akin ang totoo. Gusto kong malaman ang totoo. Bakit siya binaril ni Irish?” tanong pa muli ni Maxene kay Bernard dahil malakas ang kutob niya na may kina
CHAPTER 234Sa kabilang banda naman pagsapit ng hapon ay pinayagan na rin nga na makalabas ng ospital si Maxene dahil naging maayos na rin naman ang lagay nito. Mahigpit pa rin nga silang binilinan ng doktor na umiwas muna ito sa stress dahil baka maulit na naman nga ang nangyari rito kanina na nawalan ito ng malay.Agad naman na dumiretso sila Bernard at Maxene sa hotel na kanilang tinutuluyan dahil naroon pa rin nga ang ina ni Bernard at pati na rin ang kanilang anak. At hanggang sa makarating sila sa hotel ay nanatiling tikom ang bibig ni Bernard sa mga nangyari kanina.“Kumusta na ang pakiramdam mo hija? Ayos ka na ba?” puno ng pag aalala na tanong ni Diana kay Maxene pagkarating nito roon at hinawakan pa nga niya ang kamay nito.“Ayos naman na po ang pakiramdam ko mom. Siguro po sa sobrang takot ko kanina kaya po nahirapan akong huminga at nawalan po ako ng malay. Pero ngayon po ay okay naman na po ako,” sagot ni Maxene sa ginang. “Si baby po? Nasaan po siya?” tanong pa niya.“N
CHAPTER 233Samantala naman sa presinto ay hindi talaga umalis si Randy doon hanggat hindi naiipasok sa loob ng kulungan si Irish.“Parang awa nyo na po. Ayoko pong makulong. Hindi ko po sinasadya na mabaril si Joseph. Pakiusap po wag nyo na po akong ipakulong,” pakiusap ni Irish kay Randy at halos lumuhod na nga ito sa harapan nito para lamang hindi siya ipakulong nito.“Hindi sinasadya? Sige, sabihin na natin na hindi mo sinasadyang mabaril at mapatay si Joseph pero sino ba dapat ang babarilin mo? Si Maxene diba? Si Maxene ang balak mong barilin kaya sa tingin mo ba ay makapapayag pa rin ako na hindi ka mabulok sa kulungan na ito? Noong una nag agaw buhay si Maxene at pati na rin ang apo ko dahil sa kagagawan mo at ngayon pinahamak mo na naman si Maxene at ang mas malala pa pinatay mo ang apo ko kaya magdusa ka r’yan sa loob ng kulungan habambuhay,” gigil na gigil na sabi ni Randy kay Irish at saka niya ito sinipa dahilan para matumba ito sa sahig.Lalo namang humagulhol ng iyak si
CHAPTER 109Nang makarating sila Bernard at Maxene sa function hall ng naturang hotel ay sakto naman na magsisimula na ang naturang party. Isa isa naman na munang ipinakilala ng host ng naturang event ang mga bigating bisita na naroon ngayon. Ipinakilala rin syempre roon ang mga magulang ng binata
CHAPTER 105Napatitig naman si Maxene sa binata at wala talaga siyang ideya sa kung anuman ang sasabihin pa nito.“Next month nga pala ay anniversary ng aking kumpanya at magkakaroon kami ng anniversary party. Gusto ko sana na isama ka roon bilang partner ko at syempre gusto kitang ipakilala sa lah
CHAPTER 100Napatingin naman si Maxene kay Bernard dahil sa tanong na iyon ng kanyang ama at saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.“M-Mag lilimang buwan na po akong buntis,” sagot ni Maxene dahil kailangan na rin naman niyang umamin sa mga ito.“Limang buwan? Pero hindi ba’t ke
CHAPTER 95Hindi naman malaman ni Maxene kung ano ba ang sasabihin niya kaya naman bahagya na lamang niyang pinisil ang kamay ni Bernard na nakahawak sa kanyang kamay.Agad naman na napansin ni Bernard si Maxene at alam niya na hindi rin nito alam ang sasabihin nito. Ramdam din niya na kinakabahan







