“Let’s take a picture! Maya-maya kayo mag-swimming, lalamig na ang mga pagkain. Sige kayo, uubusin ko ’to!” pabirong sigaw ni Papa dahilan upang sabay-sabay kaming matawa. “Dad, sige na nga. Oh, mga bata, halina na kayo!” dagdag pa niya. Masaya ang lahat. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong uri ng katahimikan—walang sigawan, walang galit, walang bahid ng inggitan o sama ng loob. Ganito pala ang pakiramdam ng isang pamilyang buo… payapa. “Oh, Harold, dalhin mo na sa baba ang mga chikitings,” utos ni Papa habang inaayos ang puwesto ng lahat. Unti-unti, mas lalo kong nauunawaan—walang problemang nalulutas sa dahas. Hindi galit ang kailangan, kundi pusong marunong umunawa. Hindi negativity, kundi pagtanggap. “Sige po, ako na ang magpi-picture sa inyo,” alok ko. “Ay, no hija,” agad na kontra ni Papa. “Sumama ka dito. Family picture ito.” Napahinto ako. Ako? Kasama? “Hon, dito ka na sa tabi ko. Please,” marahang aya ng asawa ko. “Huh? No—” hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang s
Read more