"Thank you… Mommy… Daddy…" sabay halik sa pisngi naming dalawa."Are you happy?""Yes, Daddy… super happy po!" masaya nitong tugon. "Let’s ride again, Mommy," pag-aaya nito kaso talagang naalog ang utak ko kanina kaya parang gumagalaw lahat ng nakikita ko."Baby, kayo na lang ni Daddy, ok? Mommy’s not feeling well." Kunti na lang kasi ay maglalabas na ako ng kinain."Sige, Hon, kami na lang muna ni Rafael. Sabihin mo na lang pag ok ka na, andiyan naman si Manang Shie, may kasama ka naman.""Oo, sige na. Enjoy na lang kayo," tipid kong sagot sa kanya."Oh hija, ito may Katinko ako para naman mawala-wala na iyang pagkahilo mo." At kinuha ko nga ang Katinko. "Hindi ka siguro sanay sa mga ganoong rides," dagdag pa nito."Hindi po talaga, Manang.""Hays, parehas tayo. Hanggang horse ride lang ako," at natawa nga si Manang sa itsura ko. Hindi kasi talaga ako sanay sa mga ganoong rides kaya noong una pa lang ay nagdadalawang-isip na ako."Pero rides sa asawa mo, di ka na hihilo?" napatingi
Terakhir Diperbarui : 2026-01-31 Baca selengkapnya