Harold’s POV “Kayo po ba ang guardian ni Rafael?” tanong ng boses mula sa kabilang linya. Bahagya akong napakunot-noo. “Ah, yes… ako nga. May I know who’s this?” maingat kong tugon. “Magandang araw po, Sir. Ako po si Coach Rome, ang swimming coach ng anak niyo. Tumatawag po ako para ipaalam sa inyo na may competition po si Rafael ngayong darating na Friday. Sana po ay makadalo kayo para masuportahan siya,” magalang ngunit may halong pag-asa sa tinig niya. “Ah… Coach, kailan po ulit?” muling tanong ko, kahit malinaw ko namang narinig. “Ngayong Friday po, dito lang sa school nila. Ang mananalo po kasi ay lalaban sa national level,” paliwanag niya. “Ganun ba…” saglit akong natahimik. “Sige, Coach. Thank you for informing me,” tugon ko bago tuluyang ibinaba ang tawag. Pagkaputol ng linya, tila may bigat na agad na sumalampak sa dibdib ko. Friday. Isang araw na puno ng commitments—mga meeting sa shareholders, reports, at iba pang responsibilidad sa kumpanya. Isang araw na h
Read more