"Nasa kusina sila Mama kasama sila Kuya Liam." Umarko ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi ni Elle. Pati ba naman breakfast makikita ko parin ang lalaking 'yun? Wala ba siyang bahay? Wala silang pagkain do'n? "Bakit, bahay niya ba 'to? Talagang nauna pa siya sa kusina, ha." "Alam mo, nakita kong may kasamang maganda si Kuya Liam." Inilagay niya ang daliri sa ilalim ng baba na wari mo nag-iisip. "He called her Megan." Automatic na umigting ang panga ko. Wow, nakikikain na nga lang siya rito sa bahay namin, nagdala pa siya ng dagdag palamunin. Na para bang siya ang supplier namin ng bigas."Hindi niyo pinaalis? Anim lang upuan sa kusina, ah. Saan tayo uupo?"Kinindatan ako ni Elle at tumayo. "May isa pang upuan, pero sa 'kin na 'yun!"Hindi pa man ako nakakapag-react ng kumaripas na siya nang takbo. Wala ng upuan.... Loading.... Pero may isa pang upuan na para kay Elle... Loading.... Kung isa nalang at kay Elle 'yung upuan, saan ako uupo? Loading...... successfully... N
Last Updated : 2026-01-12 Read more