Sa wakas, natapos din ang lunch meeting. Napabuntong-hininga siya nang malalim nang tuluyang magsara ang folder sa harapan niya.“Finally.”“One more meeting at three o'clock, sir,” paalala ni Alden.Tumango siya. Isang meeting na lang at pagkatapos noon, tapos na, pwede na siyang umalis.Dahil nasa hotel naman sila, habang naglalakad palabas ay napansin niya ang isang flower shop sa gilid ng lobby. Agad siyang napahinto, napatingin siya sa mga bulaklak na nakadisplay. May mga rosas, lilies, tulips at iba pang iba't ibang bouquet. Hindi niya namalayang ilang segundo na pala siyang nakatitig doon. Nakasunod lang si Alden sa likuran niya.“Bibili ka ba ng bulaklak para kay Ma’am Mayumi, sir?”Dahan-dahan siyang napangiti at tumango. “Oo.” Tumingin siya kay Alden. “Anong problema?”“Wala naman, sir,” sagot nito.Pero bago pa siya tuluyang makapasok sa flower shop, muling nagsalita si Alden.“Baka itapon lang niya 'yan, sir. Tulad ng mga nauna mong pinadala noon?”Napahinto siya. Dahan-da
Last Updated : 2026-10-08 Read more