“Mayumi, apo!” masayang tawag ni Grandma nang makita siya. Hindi na nito napigilang tumayo upang salubungin siya. Mabilis namang umalalay si Gina, ang personal maid ng matanda.“Grandma,” nakangiting bati niya bago magalang na niyakap ang matanda.“Oh, my goodness! Look at you, apo. You look even more beautiful!” papuri nito habang marahang hinahaplos ang kaniyang braso. “Why didn't you tell me you were coming? I would've prepared something special for you.”“It's okay, Grandma. Hindi naman po kailangang maghanda nang bongga para sa akin.”“Of course, we have to! You're special to me, apo.”Napangiti siya sa narinig. Hindi niya maikakailang nami-miss niya ang init ng pagmamahal ng matandang babae. Sa kabila ng lahat ng nangyari, nanatiling mabuti sa kaniya ang lola ni Xavier. Hindi nito hinayaang tuluyang masira ang kanilang samahan dahil lang sa mga pagkakamaling nagawa ng ibang miyembro ng pamilya.Pero nang mapatingin siya sa iba pang naroroon, bahagyang nagbago ang kaniyang ekspre
Last Updated : 2026-10-26 Read more