Sandali siyang natigilan sa sarili niyang sinabi. Ikaw ang boss?... Hindi niya alam kung bakit, pero nang sambitin niya ang mga salitang iyon, may kakaibang pakiramdam na namuo sa kaniyang dibdib. Para bang hindi lang sa pagpili ng mga regalo ang ipinauubaya niya kay Mayumi, kundi maging sa maraming bagay sa buhay niya.Kung tutuusin, unti-unti na ngang nangyayari iyon. Sa maliliit na desisyon, sa mga bagay na dati ay siya lang ang nagpapasya, at maging sa mga pagkakataong kailangan niyang mamili kung ano ang tama, madalas ay naiisip na niya kung ano ang sasabihin o gagawin ni Mayumi.At ang nakapagtataka, hindi niya iyon ikinaiinis. Sa halip, natutuwa pa nga siya sa ideyang may isang taong maaari niyang pagkatiwalaan nang ganoon. Isang taong hindi lang basta magsasabi ng gusto niyang marinig, kundi magbibigay rin ng payo sa kung ano ang tunay na makabubuti sa kaniya.Kung si Mayumi ang magiging "boss" niya sa maraming bagay, wala siyang balak magreklamo. In fact, he wouldn't mind sur
Last Updated : 2026-10-14 Read more