Maya-maya ay bumalik si Isadora, dala ang damit niya. Maayos na itong nakaplantsa at halatang bagong laba. Nang iabot niya iyon sa kanya, agad niyang naamoy ang banayad at pamilyar na amoy ng fabric conditioner.“Salamat, Isadora.”“Welcome po, Miss Mayumi,” nakangiting sagot ng babae bago bahagyang yumuko.Hindi pa man siya nakakapagsalita ay sumabat na si Xavier.“Hindi mo kailangang isuot ulit nang paulit-ulit ang damit na iyan. Marami ka namang damit doon sa taas.” Bahagya siyang tumingin sa direksiyon ng hagdan. “Sa’yo pa rin iyon. At walang gumagalaw doon.”Natigilan siya, saglit siyang hindi nakapagsalita. Oo. Nakita niya kagabi ang mga gamit niya. Nandoon pa rin ang lahat kung paano niya iniwan noon. Ang mga damit niya, mga libro, ilang personal na gamit, pati ang maliliit na bagay na akala niya ay matagal nang nawala sa buhay niya… walang nagbago.Bakit hindi mo sinabi sa akin na inalagaan mo pa rin ang kwarto ko?... tanong niya sa isip, ngunit hindi niya iyon binigkas. Sa ha
Last Updated : 2026-10-02 Read more