Gayunpaman, hindi naman siya manhid para hindi mapansin ang pagsisikap ng dalaga. Sa kabila ng ilang sandaling pag-aalinlangan nito, ramdam niyang sinusubukan nitong maging maayos sa kanya. At kahit hindi pa niya lubusang alam kung ano ang dahilan ng pagbabago nito, hindi niya rin naman gustong balewalain ang pagsisikap na iyon.Sa huli ay marahan niyang iniabot ang kamay at tinanggap ang tuwalyang hawak ni Andra.“Salamat,” maikli niyang tugon.Bahagyang ngumiti si Andra, tila nakahinga nang maluwag nang sa wakas ay tanggapin ni Mayumi ang dala nito.“Walang anuman, Ate.”Sandali silang natahimik na dalawa. Muli siyang napatingin sa bintana, kung saan patuloy pa rin ang malakas na buhos ng ulan. Hinaplos niya ang malambot na tuwalyang hawak at saka muling ibinalik ang tingin kay Andra.“Pero aalis din ako agad kapag tumila na ang ulan.”Bahagyang nawala ang ngiti sa mukha ng dalaga. “G-Ganoon ba, Ate?” nauutal nitong tanong.Tumango siya “Kung maaari nga lang, aalis na ako ngayon. Ka
Last Updated : 2026-10-27 Read more