"Aalis ka na ba, Benedict?" Tanong ni Adela nang makita niya ang lalaki na lumabas mula sa opisina ng kanyang asawa."Ah, opo. May gagawin pa po kasi ako sa opisina eh," sagot ni Benedict at masuyong ngumiti sa ginang."Ganun ba? Sayang naman. Nais pa naman sana kitang makakwentuhan," nakanguso nitong sambit."Wag po kayong mag-alala, papasyal po ulit ako dito kapag hindi na ako busy para makapagkwentuhan tayo."Mas lalo pang lumawak ang ngiti sa labi ni Adela sa kanyang narinig. "Mabuti naman kung ganun. Aasahan ko yan ha.""Don't worry Madam Adela, I am a man with word," masuyo namang tugon ni Benedict."Kung ganun, dito ka muna ha, tatawagan ko si Autumn para makapagpaalam ka," ani Adela at akmang aalis na pero mabilis siyang pinigilan ni Benedict."Wag na po, Madam Adela. Mukhang nagpapahinga na si Autumn. Ayoko po siyang istorbohin. Babalik nalang po ako sa susunod para makausap siya."Mas lalo pang natuwa si Adela sa inaasta ni Benedict. Kung ang lalaki ang mapipili ni Autumn na
Última actualización : 2026-03-04 Leer más