MasukRhiann’s Pov.
Pagkatapos ng pictorial ay nagsilabasan na ang mga tao sa simbahan at dumeritso sa Beach resort, kung saan gaganapin ang celebration ng kasal. Gano'n din kami, mga magulang at kaibigan namin. Pagdating sa beach resort ay nakahanda na lahat at kami na lang ang hinihintay ng lahat. Tinignan ko si Bryan, mababakas sa mukha niya na hindi nasisiyahan at pilit lang ang mga ngiti sa mga taong bumabati sa amin. Ako naman ay mababakasan mo nang saya ngunit deep inside malungkot. Akala ng karamihan ay tunay na nagmamahalan kaming dalawa. Ngunit, taliwas ito sa ina-akala ng lahat. Binati kami ng aming mga kaibigan. "Congrats, bro," bati ni Tom, isa sa mga kaibigan ni Bryan. "Bro, para ka namang nawalan ng aso," biro ni Tob. "Oo nga, tol," sang-ayon ni Tom sa sinabi ng kapatid niya. "Wala akong paki, dahil 'di ko ginusto 'tong kasalan na 'to. Kundi lang dahil sa pesting arrange marriage na 'yan, 'di ako magpapakasal sa taong 'di ko naman mahal. And I will never love her!" walang imosyong sabi ni Bryan, habang hawak ang kopita at nilagok ang laman nito. Pakiramdam ko ay paulit-ulit na sinaksak ang puso ko sa narinig ko. Kaya ang ginawa ko ay pumunta sa kabilang mesa, sa table ng aking mga kaibigan. Nakikitawa ako upang libangin ang sarili, dahil simula bukas buhay asawa ang aatupagin ko. "Congrats, Nget, kahit tutol ako sa kasal mo." Sabi ng kaibigang si Aya Cirelles. Dati pa tutol ang mga kaibigan ko sa pagpapakasal kay Bryan dahil para sa kanila, masasaktan lang ang kaibigan nila. Ngunit, wala na silang nagawa dahil tapos na ang kasal. Kahit na ang kaibigan naming si Shane na kapatid ni Bryan ay tutol din dahil natatakot silang masasaktan lang ako. Pero 'di nila magawang pigilin, sapagakat ang mga magulang namin ang nag-arrange marriage sa ami. At wala na akong magagawa pa. Isa pa, mahal ko si Bryan noon pa man. Hindi ko nga akalaing si Bryan pala ang ipapakasal sa akin. Isang sikat na heartrob si Bryan sa school namin, kaya maraming nagkakagusto sa kaniya. Isa na ako roon ngunit, may babaeng minahal si Bryan pero nagkahiwalay ang mga ito ng malamang ng babae na ikakasal na si Bryan sa akin. Hindi rin ito dumalo sa kasal dahil nasa Paris ito nag-aaral. Natapos ang party at nagsi-uwian na ang mga dumalo at naiwan na lang kaming mag-asawa na nasa kotse. Nagpaiwan sila, dahil sa bagong bahay uuwi kaming dalawa ng aking asawa. Ako ang nag-drive dahi lasing na lasing si Bryan. Tinitigan ko si Bryan habang natutulog ito dahil sa kalasingan. "Ngayon na kasal na tayo, sana matutunan mo 'kong mahalin. I promise that I will do my best for you. As your wife, kailangan kong ipakita sa 'yo na karapat dapat akong maging asawa mo. Kahit anong mangyari 'di kita pababayaan at iiwan. Kahit saktan mo pa ako 'di kita iiwan, aalagaan kita sa hirap at ginhawa." Bulong ko saka hinalikan ang natutulog na asawa ako. ‘Sana lang mahalin mo rin ako.’ Pinaandar na ko ang sasakyan saka nag-drive patungo sa aming magiging bahay bilang mag-asawa. Pagdating namun sa bagong bahay ginising ko si Bryan. Nagising naman siya at lumabas ng sasakyan, kahit pasuray-suray sa paglalakad. Inalalayan ko siya ngunit tinulak lang niya ako at bahagya pang napaatras. "Don't touch me, I can handle myself." Bryan said and started to walk by himself. Sumunod na lang ako sa asawa ko saka nauna nang bahagya upang buksan ang pinto. Pagkatapos naunang pumasok si Bryan saka umupo sa sofa at napapapikit siya. "I don't want to sleep with you so, you sleep at the guest room or the other rooms if you want." Walang ganang sabi ni Bryan saka tumayo at umakyat sa hagdan. Nang nasa ikatlong baitang pa lang siya ay biglang nagsalita ulit. "Let's talk tomorrow." Huling sabi niya at tuloy-tuloy sa pag-akyat sa taas. Isinira ko na lang ang pinto saka umakyat na rin sa taas kung saan ang guest room. Nagbihis muna ako at nag-half bath bago natulog and everything went black. Kinabukasan maaga akong nagising kung kaya't maaga rin akong nakapagluto at nakapaglinis. Hindi pa man nagising si Bryan sapagkat lasing siya kagabi. Sigurado akong sasakit ang ulo no'n kaya nagsalin ako ng tubig sa baso at nilagyan ng takip sabay lagay ng tableta sa lamesa. Nilinis ko ang buong bahay, madali lamang akong natapos sa paglilinis. Sapagkat, nilinis na ito ng caretaker ng bahay no'ng nakaraang araw bago ang kanilang kasal. May kalakihan din ang bahay. Kompleto sa mga gamit, may swimming pool, harden na iba't iba ang mga nakatanim na bulaklak do'n. May bodega sa bandang likuran ng bahay. Napatingin ako sa cellphone ni Bryan na nasa ibabaw ng center table dito sa sala. Iniwan ko iyan kagabi roon. Kanina ko pa napapansin na panay ang tunog niyan. Hindi ko maiwasan na tingnan na dapat sana hindi ko ginawa. Parang sinaksak ang puso ko ng makita ang sandamakmak ba text messages ni Bryan sa babaeng minahal niya. My tears dropped as I stared at the screen of his phone. Those three magic words that I want to hear from him. ‘Can’t you love me too, Bry?’ Kahit konti man lang?Rhiann’s PovNatigilan ako sa tanong ni Jake sa akin. Iyon ang tanong na iniiwasan kong itanong sa akin. Dahil alam kong… alam kong wala akong maisagot. Na hindi ko maisatinig ang kung ano mang nasa aking dibdib.'Yon siguro iniisip nito kanina kaya antahimik niya."Okay lang, wala naman silang ginagawa, eh." Walang ganang sabi ko."Anong okay lang? Nget, masyado kang mabait," sabi ni Aya na nakaupo na ngayon sa bench sa tapat namin ni Jake."Isa pa, paano ka nakakasiguro na wala silang ginagawa?" sabat ni Shane. 'Di naman ako nakapagsalita.Tama naman kasi sila paano ko nga ba masisiguro na wala silang ginagawa, eh palagi namang magkasama si Bryan at Athena."Kunti na lang talaga ang pasensiya ko sa babaeng 'yon." Dagdag pa ni Shane.Napabuntong-hininga na lang ako. "Ewan ko rin sa kaibigan naming 'yon parang nahihibang na," sabat ni Tob saka umupo sa tabi ni Shane.At tumabi naman si Tom kay Aya. "Kinausap na namin siya pero ayaw makinig, eh." Tom shook his head."Parang wala siyan
Rhiann’s Pov.Napa-face-palm na lang ako dahil sa mga kaibigan ko. Dinaig pang bakasyon ang pupuntahan namin at hindi school trip. Kubg ano-ano ang gustong dalhin ng mga ito.“Oh my gosh! Let's swim there! My swimsuit was ready!” Shane shouted with excitement."Oo nga, magdadala rin ako ng swimsuit!!" sabi naman ni Aya."Excited much?" natatawang sabi ko tumawa na lang din sila saka nagtungo kami sa room. Tutal tapos na kami mag impake ng gamit namin. Pagdating sa class room napakaingay kasi excited din ang mga kaklase ko.Nakita ko naman sa dulo si Bryan at Athena na nag-uusap. Iniwas ko na lang ang tingin ko ng tumingin si Bryan sa 'kin.Umupo ako sa tabi ni Shane. Nag kwentuhan lang sila at nakikinig lang ako sa kanila. "Rn, okay ka lang?" tanong ni Jake.Tumango ako saka ngumiti 'di kasi ako nagsasalita, eh."Nget, magdala ka ng swimsuit, ahh." sabi ni Aya."Ahh, 'wag na. Hindi naman ako maliligo, eh!" sagot ko tinaasan naman ako ng kilay ni Shane."Abah! Nget, beach resort 'yon
Rhiann’s Pov.Dumaan na ang ilang araw, linggo at buwan. Mas naging malapit na sa 'min sina Tob at Tom. Nagtataka lang ako sa kanila kung bakit simula nang bumalik si Athena 'di na nila masyadong kasama si Bryan. Si Shane rin ay 'di na kumikibo sa Kuya niya. Hinayaan ko na lang sila. Ayaw kong makiaalam sa kanila at baka ako na naman ang mapasama sa mata ni Bryan.Maaga akong nagising ngayon araw ng lunes. Nag-toothbrush na lang ako saka bumaba para magluto at maglinis.Pagkatapos kong magluto nilinis ko na agad ang buong bahay. Hindi naman masyadong madumi dahil nilinis ko naman to kahapon, eh.Pagkatapos kong maglinis umakyat na ako sa taas upang maligo't magbihis na rin. Nang matapos sa kwarto ay bumaba na ako para kumain, kanina ko pa narinig ang sasakyan ni Bryan na umalis.Hinugasan ko na ang pinagkainan ko pati na rin ang pinagkainan ni Bryan bago umakyat ulit sa kwarto para kunin ang gamit ko.Nag antay lang ako sa gate ng bahay namin kasi sabi ni Jake susunduin niya ako. Hang
Bryan’s Pov. Nagtagis ang bagang ko habang sinsusundan ng tingin ang kapatid kong nagdadabog na umalis. Napapailing ba napabubtong-hininga na lamang ako. "Sana mag isip-isip ka naman, dude." Tom at umalis rin. Napapailing pa si Tob saka nagsalita, tinapunan pa nito ng blankong tingin si Athena. "Ang lahat ng sinasabi ng kapatid mo pati kami na mga kaibigan mo ay para rin sa kapakanan mo… at sa asawa mo." Mahinahong sabi ni Tob saka naglakad na paalis. Hindi pa rin ma-proseso sa utak ko ang pinagsasabi nila. Talagang kinampihan nila si Rhiann kaysa sa 'kin. 'Di naman nila alam ang dahilan. ‘Bakit ikaw, alam mo rin ba ang dahilan kung bakit kayo pinagkasundo ni Rhiann?' busisi ng isang bahagi ng isip ko. Natahimik ako. Oo nga, kahit ako 'di ko alam pero sure akong si Rhiann. Alam kong kasalanan lahat ni Rhiann ang lahat ng to. Tsk. 'Talaga ba? O sadyang isinisisi mo lang sa kaniya lahat' sabi ng isip ko. 'Di ko na lang pinansin saka naglakad na. "Lets go," walang gana kong a
Bryan’s Pov. Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa lalaking kausap ng asawa ko. I knew that they were close to each other but fúck! But why do I feel like I want to punch him for being so close to her? "Wag na, Jk, mag commute na lang ako pauwi." Tanggi naman ni Rhiann. Rn at Jk? 'Yon pala ang tawagan nila? Nakakasuka pakinggan at ang badoy sa pandinig ko. Tumingin ako kay Rhiann at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Natigilan ako. Para bang may humaplos bigla sa dibdib ko at… 'Di ko alam bigla akong na guilty habang nakatingin sa kaniya. Damn! What the fúck is wrong with me? "Sige na, magpahatid ka na lang Rhiann para 'di ka mahirapan mag abang ng taxi. Saka mas madali kung ihahatid ka na lang ni Jake." Aya encourages her. Ang mga kaibigan lang niya ang pinakamalapit sa kaniya. Kaya alam kong makikinig siya sa kanila. "Oo nga, Nget," sang-ayon ni Shane. Iba rin magpahalaga ng kaibigan ang kapatid ko. Napabuntong-hininga na lang ako. "Wag na. I can handle m
Bryan’s Pov. Bahagya akong tumagilid upang silipin ang reaksyon ni Rhiann. Tahimik lang siyang nakikinig at nihindi man lang ako tinapunan ng tingin. Hinila ni Athena ang manggas ng damit ko. Nabaling sa kanya ang atensyon ko, nakangiti siya sa akin. “Don't you miss me?” she asked with her sweet tone. “I… I did.” I replied and looked in front. 'Di ko siya pinansin at nakinig na lang ako kay Prof. Natapos na ang klase namin sa umaga at lunch time na. Lumabas na ang mga kaklase namin. Tumayo na rin sila Rhiann pati sila Tob at Tom. Talagang ayaw na nila kay Athena. Sabay-sabay silang lumabas ng room at 'di man lang ako tinapunan ng tingin. "Lets go. Sabay na tayong mag lunch," yaya ni Athena. Tumango na lang ako. Namiss ko rin naman siyang kasabay kumain, eh. "Okay." Tipid kong sabi at lumabas na kami saka nagtungo sa Cafeteria. Pagdating namin sa Cafeteria agad na nagbubulungan ang mga estudyante na nasa loob. Nakita ko si Rhiann kasama sina Tob at Tom na nasa iisang table.







