Share

Chapter I

last update publish date: 2026-01-11 00:52:15

Rhiann's Pov.

Ito ang nakatakdang araw na gaganapin ang kasal ko sa isang anak ng ka-business partner ng aking mga magulang na si Bryan Matines na kung saan ay magkaklase kaming dalawa.

Marami ang dumalo sa aming kasal sapagkat kilalang tanyag na mahusay na negosyante ang aming mga magulang. Dumalo rin ang aming ng mga kaibigan. Napaka-elegante at napaka-bongga ng kasalang ito, sapagkat ang aming mga magulang ay magkaibigan lalo na sa negosyo.

Marami ring mga kaklase at school- mates namin ang pumunta, bakas ang saya para sa amin na ikakasal. May iba ring tila naiinggit dahil pinakasalan ng isang Bryan Matines ang isang katulad ko. 'Yong iba naman ay nagsasabing bagay na bagay kaming dalawa.

“Nget, sigurado ka na ba talaga sa pagpapakasal kay Kuya?” nag-aalalang tanong ni Shane, ang kapatid ng mapapangasawa ko, isa rin sa mga kaibigan ko.

Natigilan ako at napabuntunghininga. Hindi lingid sa kaalaman ng mga kaibigan ko na arranged marriage lamang ito. Pero gayunpaman, masaya ako.

“I love him.” I said.

“Alam naming mahal mo si Bryan, pero alam din namin na hindi ka niya mahal.” Parang punyal na tumagos sa dibdib ko ang mga katagang binitiwan ng Aya, ang isa sa kaibigan ko.

Binalewala ko ang sakit at ngumiti sa kanila. “I have to marry him.” Puno ng pinal na saad ko.

Tinignan nila ako at sabay na nagbuntong-hinga. Wala sioang nagawa pa nang magsimula na ang serimonya ng kasal. Unang naglakad ang mga Ninang at mga Ninong ng kasal. Hanggang sa sunod-sunod nang pumasok ang iba pa.

Ako ang huling naglalakad sa aisle kasama ang mga magulang ko.

Manghang-mangha ang mga dumalo na nakatingin sa akin habang naglalakad at inalalayan ng aking mga magulang. Napaka-ganda ng suot ko na puting gown na may magandang desenyo sa harap.

Talagang makikita mong galing sa mayamang pamilya.

Pero kung gaano kaganda at kabongga ang kasal namin, ganun din kalungkot ang puso ko. Dahil alam kong walang pagmamahal sa akin ang taong pakakasalan ko.

Gayunpaman, ngumiti ako na parang bang ako ang pinakamasaya sa balat ng lupa sa araw na ito. Habang si Bryan na nasa harap at nakatingin sa akin na nakangiti. Kung titingnan mo ay parang matagal ng nagmamahalan at parang sabik na sabik kami sa isa't isa.

Ayun ang alam ng mga tao. Pero ang mga kaibigan namin ay alam kung talaga bang masaya kami o hindi. Dahil alam nilang sa likod ng mga ngiti namin ay kabaliktaran sa mga nararamdaman sa isa't isa. Kahit na nakangiti ang mga kaibigan kong babae, alam nilang sa kaloob- looban ko ay malungkot ako.

Dahil nagpakasal ako sa taong ako lang naman ang nagmahal.

Alam kasi ng mga kaibigan ko na hindi ko ginusto ang kasalan na ito, kahit pa mahal na ko noon pa man ang Bryan. Alam din nila na hindi rin ako mahal ni Bryan, kahit kunting pagmamahal man lang. Kaya alam kong naaawa sila sa akin.

Wala na rin kasi akong nagawa upang pigilan ang kasal dahil ang mga magulang namin ang nag-arrange marriage sa amin. Sa huli sandamakmak na mga payo at comforts ang ibinigay ng mga kaibigan ko.

Hanggang sa nakarating na ako sa harapan ni Bryan. Nakangiting ibinigay ng aking mga magulang ang kamay ko, saka nagtungo na sa upuan ang mga magulang ko. Nagsimula na ang pari sa ritual ng kasal hanggang nasa I do's na kami.

Natapos ang serimonyas ng kasal pagkatapos ng kiss the bride.

Nagsipalakpakan ang mga taong dumalo lalo na ang mga mahalagang tao na ka-business partner ng mga magulang namin.

This was supposed to be my happy moment. But I can't. I can't be happy, genuinely. Knowing that he doesn't even love me.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
mercy villafuerte
ang sakit magmahal ,ng may mahal na iba
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Ends of Being Martyr    Chapter 112

    Rhiann’s PovWalang halong pagbibiro ang mababakas sa mga mukha nila. Bigla akong nanlumo sa sinabi nila nang mag sink in na sa utak ko kung ano ang sinabi nila.Divorce?No! 'Di pwede!Kung gagawin ko 'yon ibig sabihin na bibitaw na ako sa mga pangako ko.Ibigsabihin maghihiwalay na kami.Ibigsabihin isusuko ko na ang pagmamahal ko sa kan:ya.At higit sa lahat mababalewala lang lahat ng paghihirap ko.Lalo na ang dahilan kung bakit kami ipinagkasundo.Hindi! Hindi maaari…'Di ko pa alam kung tapos na ba ang lahat kung ano ang dahilan ng lahat ng ito.Ang alam ko lang 'di ako susuko.Okay lang sa 'kin na masasaktan ako Basta makita kong masaya sila."No!" matigas kong sabiNakita ko ang pagkadismaya nila sa sinabi ko."Hindi pwede!" pag-uulit ko na ngayon ay pumatak na ang mga luha ko."Pero para rin naman 'to sa 'yo, eh." Nag aalalang sabi ni Aya."Oo nga, para sa kapakanan mo," sabi pa ni Kath."Ayoko." Sabi ko habang humihikbi."Please... para sa ikakabuti mo…" nag aalalang sabi ni

  • The Ends of Being Martyr    Chapter 110

    Rhiann’s PovAgad akong tumayo kahit medyo masakit pa ang katawan ko. Actually, gutom na talaga ako. Kahapon pa akong walang kain. Wala kasi akong ganang kumain at masyadong okupado ang isip ko sa mga nangyayari recently."Kaya mo bang naglakad?" tanong pa nito.Oo naman.Ano akala niya lumpo?"Oo naman," sabi ko saka naunang maglakad. Aktong bababa na ako nang biglang kumirot ang likod ko."Are you, okay?" nag-aalalang tanong ni Jake."Yeah. Tara na," sabi ko saka dahan-dahang bumaba.Natigilan ako nang bigla niya akong buhatin at bumaba ng hagdanan."Kaya ko namang maglakad, eh!" maktol ko."Kaya mo nga pero aabutan tayo ng lunch sa bagal mo." Iling niya na nakangiti pa talaga.Grabe lunch talaga?"Che!" sabi ko nalang bago niya ako ibinaba sa upuan."Sige na, kain ka na. Alam kong kahapon ka pa walang kain," sabi nito at parang anlamig no'n, ah.Tumango na lang ako."Pupunta tayo sa hospital mamaya. Pupunta rin dito ngayon ang mga kaibigan natin…" sabi pa nito na patuloy lang sa p

  • The Ends of Being Martyr    Chapter 109

    Someone's (2) Pov.Maragumpay na napangisi ako sa nalaman ko. I'm so happy now for what happened to Rhiann. She deserves it. That bitch finally slowly got her end. Sige lang. Magdusa ka hanggang sa madurog ka at mamatay. Isa kang malaking hadlang.Sana natuluyan ka na lang nanng kinulong kita sa cr no'ng mga bata pa tayo. Para sana wala nang sagabal ngayon tsk!At no'ng nasa Tagaytay akala ko katapusan mo na 'yon pero 'di pala, kasi nailigtas ka ng taong wala namang pakialam sa'yo. Kapag patay ka na ako ang mag wawagi at makukuha ko ang gusto ko.Alam kong malapit na ang katapusan mo Rhiann. Kailangan mawala ka na sa landas namin--- sa landas ko.At kung kailangang isunod ka sa namatay mong kapatid then, I will do it soon. "Boss, pinatawag mo raw ako?" sabi ng tauhan ko."Yes, come here. Gagawa tayo ng paraan kung pa'no patayin ang babaeng 'yon." Utos ko sa tauhan ko."Masusunod po, boss," sagot niya kaya pinaliwanag ko na sa kan’ya ang dapat gawin. Nang matapos ay agad itong umal

  • The Ends of Being Martyr    Chapter 108

    Aya’s PovTumango lang siya kaya nagsimula na laming naglakad at dahan-dahang umakyat sa hagdan. Agad ko siyang inihiga sa kama niya nang makapasok kami. Kitang kita kong hirap na hirap na siya. "Dito ka lang, ahh. Kukuha ako ng pang gamot sa baba," paalam ko. Tumango lang siya saka ipinikit ang mga mata niya.Dali-dali akong bumaba at pumunta sa kusina kung saan nasa isang kabinet ang pang gamot.Umakyat uli ako para gamutin ang sugat niya.Agad ko siyang ginamot kahit tulog na tulog na siya. Pagakatapos ko siyang gamutin saktong dumating ang mga kaibigan namin.Nag-aalala ang mababakas sa mga mukha nila. Tulad ko, alam kong labis ang pag-aalala nila sa matalik naming kaibigan.She's too fragile kaya nga kami ang nagtatanggol sa kaniya.She's to vulnerable to be hurt.She doesn't deserve all of this."Anong nangyari kay, Rhiann?" nag-aalalang tanong ni Shane."Where is she?" balisang tanong ni Jake."Is she okay?" alalang sabat ni Tob."Dapat dalhin natin siya sa hindi mapakaling

  • The Ends of Being Martyr    Chapter 107

    Aya's Pov.Nandito ako ngayon sa bahay wala kaming pasok it was Saturday. Nakabihis na ako ngayon dahil gusto kong pumunta sa bahay nila Rhiann. Gusto ko lang pumunta do'n at makipag chikahan. Wala naman akong gagawin, eh.Ang iba naman naming kaibigan medyo busy sila ngayon kaya ako lang ang bakante hehehe.It's already lunchtime do'n na lang ako kakain sa bahay nila. Masarap kasing magluto si Rhiann kaya believe na believe ako sa bff ko na 'yon.Nasa kan’ya na lahat, eh. Pero nakakainis lang na binalewa lang siya ni Bryan psh!Pagkatapos kong mag ayos agad na ako bumaba saka dumeretso sa garahe at sumakay sa kotse ko. Habang nasa byahe ako parang kinakabahan ako. Pero binalewala ko lang saka nag focus sa pag-drive.Hayysst.Sa wakas nakarating din ako gutom na ako, eh. Bumusina ako ngunit walang nagbukas ng gate. Lalo tuloy akong kinakabahan.Bumaba na lang ako saka pumunta sa gate. Luh? Ba't bukas ang gate? 'Di ba siya nag-locked ng gate? Hayaan na nga lang baka busy siya. Naglak

  • The Ends of Being Martyr    Chapter 106

    Rhiann’s PovHindi ko alam kong ano ang pinagsasabi niya. Anong nanglalandi? Hindi naman ako naglalandi, eh. Sa mga huling araw ay nandito lang ako sa bahay. Kapag may pasok uuwi agad ako rito sa bahay kapag tapos na ang klase ko. Kasi ayaw kong magalit siya sa 'kin dahil medyo okay na kami. Pero hindi pala, hindi pala kami okay.Nagsipatakan ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Ang sakit-sakit na marinig mo sa taong mahal mo na malandi ako."H-hndi ako nanlalandi! M-maniwala ka–– wala akong g-ingawa na makakagalit sa 'yo. Dahil ayaw kong magalit ka ulit sa 'kin…" umiiyak na sabi ko.Halos 'di ko na maintindihan ang mga katagang lumalabas sa bibig ko.Nanatiling nakatitig ako sa kaniya. Nakita ko kung paano gumalaw ang panga niya dahil sa galit."Talagang mangangatwiran ka pa?! Kahit kailan malandi ka talaga. Tama nga si Athena na may kalandian kang tinatago!?" galit niyang sigaw sa mukha ko.Athena? Siya ang nagsabing malandi ako? Akala ko ba nagbago na siya? Akala ko ba bumait na.

  • The Ends of Being Martyr    Chapter 31

    Rhiann’s Pov."Oo nga, nget. Anyare riyan?" segunda pa ni Shane."Nadulas siya, 'di kasi nag-ingat,” sabi ni Bryan. Poker face na ulit siya."Tsk! Dapat nag-ingat ka. How many times have I told you to take care of yourself?" sabi ni Jake.Ngumiti na lang ako sa kaniya. "Okay lang, 'di naman malaki

  • The Ends of Being Martyr    Chapter 30

    Rhiann’s Pov. Medyo nanginginig na kasi ang tuhod ko. Kanina pa ako nadadapa, natitisod, nadulas at natamaan ng mga halaman. "Tsk! Tumingin ka sa dinadaanan mo," blankong sabi pa ni Bryle. Kanina pa siya ganiyan. "Sorry, pagod na kasi ako, eh." Mahinang sabi ko. Hindi rin ako sanay na umakyat

  • The Ends of Being Martyr    Chapter 29

    Rhiann’s Pov."By the way, 'wag rin masyadong malandi, ghurl. Dahan-dahan lang sa pagkirida baka masaktan ka lang. Lalo na kapag nakatagpo ka na ng mas higit pa sa kalandian mo. Kawawa ka naman kapag gano'n kasi tinalo pa kalandian mo. Pasalamat ka at mabait ang kaibigan namin. 'Di tulad mong paran

  • The Ends of Being Martyr    Chapter 28

    Rhiann's Pov.Bigla akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas. Bumangon ako at kinusot ang mata ko habang humikab. Mukhang inaantok pa rin ako. Anong oras na nga ba ako natulog kagabi? Inayos ko muna ang sarili ko bago maisipang lumabas na ng tent ko.Pagkalabas ko nakita kong kak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status