C—85 Jeselle Nakasalubong ko pa ang Tita Jae nang paakyat ako ng hagdan. Hindi muna ako tumuloy inantay ko na lamang siya makarating sa baba. Para hindi masikip kahit ang lapad ng space ng hagdan, ako lang ang nasikipan. "Jess, pupuntahan mo na ba ang mag-ama mo?" natutuwa n'yang tanong sa akin na para bang alam n'ya roon ako pupunta. Sandali akong napapikit at pilit kong kinakalma ang sarili. Hindi ko kayang patagalin pa. Kahit gaano pa ako ka-ilang, kailangan kong pumunta sa kwarto ni Seven. "Opo, Tita. Kanina pa po e, ayaw lumabas ng mag-ama sa k'warto," "Tama nga puntahan mo na lang, hija. H'wag kayo magtagal ni Seven sa k'warto. Malapit na rin ang hapunan," binibiro ako ng Tita Jae. "Ang Tita," kandahaba ang nguso ko. "Nagbibiro lang ako Jess," anya pagkatapos ay tumigil. "Jess, okay lang ba pagkatapos ng birthday ng apo ko. Hiramin namin siya sa dadalhin sa Samar?" Napatda ako kasi nakalimutan yata ng Tita Jae, hindi pu-puwede mawalay sa akin ang anak ko dahil
Last Updated : 2026-05-10 Read more