C-109 Jeselle "Kaibigan mo pala iyong husband ni Sabine?" tanong ko kay Seven nang binabagtas na namin pauwi ng bahay. "Sa ibang subject lang," "Kaya pala hindi ko gano'n ka pamilyar pero alam ko student siya sa university kasi nga sabi mo ama ng pinagbubuntis ni Sabine, kaibigan mo. Hinulaan ko lang hindi na ako nagtanong," "Ngayon nakita mo na si Sabine. Hindi ka na magseselos, mahal," "Immature pa ako noon mag-isip kaya mabilis akong magselos," Tss nakataas kilay ayaw pa maniwala nitong asawa ko. "Nakita ko happy na rin si Sabine, kaya siguro nagkataon nagkita kami sa airport para lang magkaroon ng closure," "Closure?" sabay halakhak ni Seven kaya sinamaan ko ng tingin. Wala naman nakatatawa sa aking sinabi. "Hoy ano ka! Hindi lang para sa mag-jowa ang closure ano. Pwede rin iyan gumana sa amin ni Sabine. Mabuti na lang talaga nag-honeymoon tayo. Kung hindi tayo natuloy, hindi natin makikita si Sabine. "Ikaw lang kasi mahal, ayaw mo pa noong una," tugon niya ng
Terakhir Diperbarui : 2026-05-29 Baca selengkapnya