C—74 Jeselle "Ate Jeselle. Bagay kay Kuya Seven mag-alaga ng anak," "Medyo?" matipid kong sagot sa kaniya. "Apple Grapes, mauna ka na, ha? Kukuha muna ako ng towel sa k'warto ko," saad ko sa kaniya nang makarating kami sa may hagdan. "Ay hala! Hindi pala tayo sabay babalik?" pagkatapos mabilis s'yang nakaisip. "Ate Jeselle, sasamahan na lang kaya kita?" "H'wag na, mauna ka na baka hinahanap ka na nila. Mabilis lang din naman ako isa pa hindi pa ako nakabihis. Kailangan ko rin kasi mag-pump ng milk para kay, Apollo. Baka magutom ang pamangkin mo," saad ko sa kaniya sabay natawa ako sa reaksyon niya, dahil nanlaki ang kaniyang mata tinuro ang boobs ko. "Oh my gosh. Ang galing mo naman Ate Jess. Ate, masakit ba?" namamangha n'yang sabi. Nakangiti akong umiling. "Hindi naman kere lang." "Ang swerte talaga ni Kuya Seven, sa iyo. Kasi hindi mo inisip na masisira ang figure mo." Ngumiti lang ako sa kaniya pagkatapos pinaalala sa kaniya aakyat na ako kaya ayon nakangiti siya
Last Updated : 2026-05-02 Read more