C-62 Jeselle "Hello, Layvee?" "Ang sad ko naman ngayon, Jess," sabi nito sa kabilang linya na s'yang pinagtakhan ko. "Bakit brokenhearted ka na rin ba?" mabilis kong tanong sa kaniya. "Hindi 'no! Malungkot ako dahil hindi ako makasasama sa mommy at daddy." "Bakit?" "Wrong timing. May exam kami. Waah Jess, hindi ko makikita ng personal si Apollo," wika nito ma-drama talaga pwede naman siya pumunta sa bakasyon para magtagal siya. "Edi at saka na lang kapag wala na kayong pasok. Sina mommy pala kanina pa ba umalis?" "Madaling araw sila umalis. Wait, si Kuya Seven nangulit sa akin kung saan daw ba na bansa ka naroon. Kasi nagtungo siya roon sa sinabi ni Dos, wala ka raw," sabay malakas itong tumawa. Sigurado may kalokohan itong ginawa kaya nauuna pa ang tawa. "Kunwari hindi kita kilala," saad ko sa kaniya. "What? Wala akong ginawa ha," sabi nito kaya ako naman ang natawa. "Halata kita Lay. Huhulaan ko binigyan mo ng address si Dos," "Nah, okay lang iyon para mal
Last Updated : 2026-04-27 Read more