Jae-young Nang sumara ang malawak na gate. Doon ako bumalik sa Villa, para hanapin si Seven. Nasaan kaya sila ni Loleng. Patungo na sana ako sa kitchen baka naroon ang dalawa, ngunit saglit akong tumigil dahil mayroon nag-vibrate sa cellphone ko. Sinilip ko muna kung sino ang nag-text. Asawa ko pala. Kaalis lang n'ya kinumusta na kung anong ginagawa ko. Overacting ng Mayor na ito, akala mo isang buwan kaming hindi kami nagkita. Dodong Ishmael: Wife, bakit hindi ka nag-reply? Demanding pa siya gusto ura-urada reply. Ako: Dong, kaalis mo lang at bago pa akong pumasok sa bahay, agad mong sabi miss mo na ako. Hindi na iyan totoo feeling mo lang 'yan. Dodong Ishmael: Baka late ako mamaya ng uwi. Kung antok ka na 'wag mo na akong antayin. Ako: Ah, iyon lang pala okay lang, mabuti rin sinabi mo na agad para hindi na kita antayin. Aba siya naman ang nagsabi bakit naman ang text back n'ya. Galit na emoji. Edi nag-reply ako ng pang-asar na tawa. Siya naman nagsabi tapos maayos a
Read more