Jae-young Walang ibang maingay sina Yurich at Seven lang umpisa pa kumain. Si Yurich ang nag-aasikaso kay Seven, kahit sabi ko kami na lang pero gusto rin naman ni Seven doon sa Tito Yu, niya kaya pinabayaan ko na. “Tito Yu, gusto ko po n'yang egg,” tinuro ni Seven iyong nilagang itlog. “Noted po buddy,” sagot ni Yurich pagkatapos kumuha siya sa mangkok. “Bakit po laging buddy ang tinatawag mo sa ‘kin, Tito Yu? Hindi mo po kaya bigkasin name ko?” biglang tanong ni Seven, habang seryoso nagbabalat ng nilaga itlog si Yurich. Biglang bumunghalit ng tawa si Kuya Locerio. Sabay tumingin sa p'westo namin ni Ishmael. Chismoso nito kahit malayo na upuan nakikinig pa. “Boss, nagmana sa misis mo,” natutuwa sabi ni Kuya Locerio nakatingin kay Seven na ngayon ay nag-aantay sa Tito Yurich niyang nagbabalat ng itlog. “Hehehe opo kay mommy po ako nagmana e,” sabi pa ni Seven. “Tito Yu, hindi mo po kaya sabihin, Seven?” muling nagtanong talagang ayaw tantanan hangga't hindi makakuha
Terakhir Diperbarui : 2026-01-27 Baca selengkapnya