Bumuga ako ng hangin. Walang epekto ang pang iinis ko. Ako pa itong malapit ng maasar sa amin. Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Makisig at mayaman. Hindi ako lugi. Matatawag pa akong swerte dahil inalok niya ako ng kasal kahit dalawang taon lang ang itatagal ng bisa. Marami ang babae na magkakandarapa na pumayag. Sino ako para tanggihan siya? Kung hindi lang naman siya ‘ninong’ ni Victor ay walang problema. Tumikhim ako ng mahuli ako na nakatitig sa kanya. Sumilay ang ngisi nito na may pagmamalaki. Siya ang tunay na hambog at hindi ako. Alam ng damuho ang totoo, na good catch talaga ito. “Tapos na akong magdagdag sa kontrata, makakaalis ka na.” Taboy ko sa kanya. Sumandal ito sa upuan at may amusement ang mata na ngumiti. “Ganyan ka ba sa mapapangasawa mo. Hindi mo man lang ba ako aalukin ng kape.” “Come on, Sir… I mean, Mister. Pwede kang uminom ng mamahaling kape sa labas, wala ng rason para manatili ka. Saka hindi pa tayo kasal, hindi pa kita asawa.” “Maganda k
Read more