(3rd person pov) Hinawakan ni Miracle ang litrato ni Anzel. Kuha ito ng inutusan niya na sundan ang kapatid niya. Pero bukod sa malabong larawan ay wala na itong ibang kuha maliban sa malabong litrato na hawak niya. “Sigurado ka ba na wala kang nakikita na babaeng kasama niya?” Nakayuko na tumango ito. “Yes, ma’am. Bukod sa pagtatrabaho ay wala ng ibang pinagkaka abalahan si Sir. Mukhang mali ang nakarating na balita sa inyo, sa tingin ko ay wala pang asawa ang kapatid niyo. Kung mayro’n malalaman ko agad iyon.” Tumango-tango si Miracle. “Sige, makakaalis ka na.” Nagkukumahog na lumabas ang investigator na hindi makatingin ng diretso kay Miracle. Namutla ang lalaki ng mamataan ang lalaking parating, si Prime, ang asawa ng nag utos sa kanya. Nagmamadali itong yumuko upang itago ang namamagang mukha. Kumunot ang noo ni Prime ng makita iyon, huli na dahil nakita na ito ng asawa ni Miracle. “Who did that to you?” “S-Sir,” nag aalangan na sumagot ang lalaki. “S-Si Sir Anzel,
Read more