Nilapag ko ang mga kailangan ni Anzel sa desk. Lahat ng kailangan kong gawin ay tinapos ko na. Kape, papeles, schedule, lahat ng gusto at kailangan kong tapos ay nagawa ko. “Yes, Sir” at “Tapos na, Sir” ang salitang narinig lang niya sa akin sa buong maghapon. I never bother to look at his eyes. Hindi ko siya pinansin, lalapit lang ako sa kanya kapag may kailangan akong ibigay o itanong. Hindi siya mabuting tao kaya kailangan siyang iwasan. “Are you okay? Alam mo napansin ko na madalas kang tulala simula no’ng bumalik ka. May problema ka ba?” Nagtatakang tanong ni Ian sa akin habang nasa cafeteria kami. “Kanina ka pa kumakain hindi ka pa tapos. Kawawa naman ‘yang pagkain mo sayo.” Tumingin ako sa plato ko. Nadurog na pala ang pagkain sa plato ko ng hindi ko namamalayan. “May iniisip lang ako.” Pinilit kong kumain para makainom ako ng mga bitamina para sa anak ko. Sana hindi ulit umuwi si Anzel mamaya sa bahay para hindi ko itp makita. Simula ng gawin niya sa akin ang ginawa
Read more