(Natalia pov) Nalibang ako sa pagtatanim, hindi ko namalayan na inabot ako ng hapon. “Si Anzel po?” “Naku ma’am, lumabas si Sir.” “Lumabas?” Napasimangot ako. Kahit kailan talaga hindi marunong magpaalam ang lalaking ‘yon. “May gusto ba kayong kainin? Ipaluto? Ipagawa?” “Manang, nakailang tanong ka na. Kaya ko naman ang sarili ko. Saka hindi naman mabigat ang ginagawa ko kaya wag kayong mag alala, hindi mapapa’no ang anak ko.” “Naniniguro lang kami. Ang sabi kasi ni sir kapag may nangyari sa inyo—“ “Ehem. Ehem.” Tumikhim si Manang. “Inday, maghanda ka ng mga lulutuin mamaya.” “Okay po.” Nagtataka ko itong sinundan ng tingin. Kinuha ni Manang ang atensyon ko. Pero napahinto ito sa pagsasalita ng dumating ang kasamahan nito. “May bisita sa labas. Hinahanap si Sir.” Kumunot ang noo ko. Naalala ko na binanggit ni Anzel na walang nakakaalam ng address na ‘to. Kaya sino ang bisitang tinutukoy nito? “Ma’am, sigurado ka ba na haharap ka? Pwede naman naming sabihin na
Read more