Arabella’s Pov “I’ll see you at McResto,” sigaw ni Giovanni sa kabilang kotse nang makasakay na kami. Ang gusto niya sana ay ihatid na ako, ngunit dahil malayo-layo iyong sa amin, hindi ako pumayag. Nagmamaktol pa siya nang parang bata, kaya akala ko mahihirapan akong kumbinsihin siya, pero sa huli, naging madali lang ang lahat. Basta, ang kapalit ay mag-date kaming dalawa. Pinaandar ko na ang makina at nagbusina sa kanya bago tuluyang umandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa nangyayari, pero masaya ako na sa wakas ay nahanap na rin namin ang isa’t isa. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang inaalala ang naging usapan namin. Pagkatapos naming ilapat ang aming mga noo sa isa’t isa, umayos siya sa pagkakaupo. Hindi makatingin sa direksiyon ko, kaya gusto kong matawa. “I-I’m,” he flustered. I couldn’t help but smile looking at him that way. Ang lalaking ito talaga! “I’m not used to being like this, Selene.” Namumula ang kanyang mga pisngi,
Baca selengkapnya