Mabilis na itinago ni Mia ang bouquet ng White Lilies sa ilalim ng desk ng receptionist."Pakitapon 'to. O kaya iuwi mo na lang," bulong ni Mia sa receptionist."Po? Sayang naman Ma'am, ang ganda oh," sagot ng babae."Basta, alisin mo 'yan sa paningin ko. Parang awa mo na," pakiusap ni Mia.Kailangan niyang mapalis si Liam. Ngayon na. Habang nasa loob pa ng meeting si Gabriel at Vanessa. Kapag nagkita ang dalawang lalaki, siguradong magkakagulo. Kilala niya si Liam—matapang ito at walang preno ang bibig. Kilala rin niya si Gabriel—hindi ito nagpapatalo at ruthless sa mga kaaway."Martha, bababa lang ako saglit. May... may bibilhin lang sa 7-Eleven," paalam ni Mia sa secretary."Pero Ma'am, bilin ni Sir Gabriel na 'wag kayong aalis sa desk," nag-aalalang sagot ni Martha."Saglit lang talaga. 5 minutes. Nauuhaw ako sa Slurpee eh," palusot ni Mia sabay takbo papunta sa elevator bago pa makapigil si Martha.Paglabas ng building, ramdam ni Mia ang init ng tanghali. Hinanap ng mata niya si
Read more