San Lorenzo Island, Palawan.Community Center. 1:30 PM.Kung ang opisina ng Altamirano Group sa Makati ay gawa sa bakal, salamin, at lamig ng aircon, ang mundo naman ni Cassandra "Cassie" Rivera ay gawa sa alat ng dagat, init ng araw, at tibay ng kawayan.Nakatayo si Cassie sa veranda ng Community Center—isang istrukturang siya mismo ang nag-disenyo at tumulong itayo. Tanaw niya mula doon ang turquoise na tubig ng West Philippine Sea na humahalik sa puting buhangin. Ang hangin ay amoy niyog at tuyong dahon. Payapa. Paraiso.Pero sa likod ng kapayapaan, ramdam ni Cassie ang tensyon. Parang bago bumagyo.Inayos niya ang rolled blueprints na nakalatag sa mesa. Suot niya ang kanyang "island uniform"—isang puting linen polo na nakatupi ang manggas, faded denim shorts, at tsinelas. Ang balat niya, na dati ay maputla dahil sa winter ng Boston, ngayon ay kulay golden bronze na. Ang buhok niya ay mahaba, wavy, at laging amoy araw.Wala na ang mahiyain na scholar na nakilala ni Gabby sa Harvard
Last Updated : 2026-02-09 Read more