Isla de Amor Resort. Presidential Villa. 8:15 PM. Ang mundo sa labas ay nagwawala. Ang langit ay tila nagngangalit sa Isla de Amor. Isang malakas na bagyo ang biglang humampas sa probinsya ng Iloilo, dala ang hanging umaatungal na parang halimaw at ulang parang mga balang tumatama sa salamin ng Presidential Villa. Sa loob, ang katahimikan ay nakabibingi, binabasag lamang ng tunog ng yelo na tumatama sa baso ni Gabriel. Nakatayo si Mia sa may sliding door, yakap ang sarili. Kanina pa siya nanginginig, hindi lang dahil sa lamig ng centralized aircon, kundi dahil sa bigat ng presensya ng lalaking nasa likuran niya. "Sir," tawag ni Mia, nilakasan ang boses para marinig sa ingay ng ulan. "Kailangan ko na pong umuwi. Baka natatakot na ang mga bata. Si Gabby... takot 'yon sa kulog." Nakaupo si Gabriel sa sofa, nakadekwatro. Ang suot niyang itim na silk robe ay bahagyang nakabukas, nagpapakita ng kanyang matipunong dibdib at tiyan. Basa pa ang buhok nito mula sa shower, at ang amoy ng
Last Updated : 2026-01-28 Read more