Altamirano Mansion. Master Bedroom. 3:00 PM. "Kuya, labas." Nakatayo si Bella sa hamba ng pinto ng Master Bedroom, nakapamewang, at nakaturo sa hallway. Nasa gitna ng kwarto si Gabby, hawak ang isang tuwalya at kakatapos lang maligo. Ang asul na pintura sa mukha niya kanina ay nawala na, at bumalik na ang malamig na awra ng CEO. Kumunot ang noo niya sa utos ng kapatid. "This is my room, Isabella," matigas na sagot ni Gabby. "Kung gusto mong magkwentuhan kayo ni Cassie, doon kayo sa East Wing." "Hindi kami magkukwentuhan. Mag-aayos kami," umirap si Bella. "At kailangan ko ang malaking salamin mo at ang natural light sa kwartong 'to. So, shoo. Doon ka muna magbihis sa guest room." "I am not leaving my own room—" Hindi na siya pinatapos ni Bella. Itinulak niya ang nakatatandang kapatid palabas ng pinto. Kahit gaano kalaki at katikas si Gabby, wala siyang laban sa pagiging makulit at bossy ng prinsesa ng pamilya. "Ilang oras lang 'to, Kuya! Wag kang madamot! Bye!" BLAG. Isinar
최신 업데이트 : 2026-02-14 더 보기