San Lorenzo Island. The Morning After.6:00 AM.Sumikat ang araw sa San Lorenzo na parang walang nangyari. Ang langit ay asul, ang dagat ay kalmado, at ang hangin ay sariwa. Pero sa lupa, makikita ang epekto ng bagyo—mga nabuwal na puno, nagkalat na dahon, at putik.Sa labas ng pinto ng Clinic, nakaupo pa rin si Gabby.Hindi siya natulog. Kahit isang saglit.Ang kanyang mamahaling suit ay gusot-gusot na, matigas dahil sa natuyong putik at grasa. Ang kanyang buhok ay magulo. May stubble o tumutubong balbas na sa kanyang panga. Ang kanyang mga mata ay mapula dahil sa puyat, pero gising na gising ang diwa niya.Binantayan niya ang pinto sa buong magdamag. Binantayan niya ang batang nasa loob.Click.Bumukas ang pinto.Lumabas si Cassie. Mukha rin itong pagod, mugto ang mata, at halatang hindi nakatulog sa pag-aalala.Nagkatinginan sila.Sa ilalim ng sikat ng araw, kitang-kita nila ang isa't isa. Wala na ang glamour ng CEO. Wala na ang tapang ng Environmentalist. Dalawang magulang na lang
최신 업데이트 : 2026-02-10 더 보기