St. Luke’s Medical Center. VIP Suite.Thursday, 8:00 AM.Maliwanag na ang sikat ng araw na tumatama sa bintana ng VIP Suite.Sa gitna ng kama, gising na si Lucas. Wala na ang oxygen mask sa mukha nito, bagama't may dextrose pa rin sa kanyang maliit na kamay. Kumakain ito ng pancakes habang pinapanood siya ng kanyang lola na si Mia, na tuwang-tuwa sa bawat subo ng apo."Ang sarap, Lola!" ngiti ni Lucas."Kumain ka pa, baby. Kailangan mong lumakas," malambing na sagot ni Mia, pinupunasan ang gilid ng labi ng bata.Sa kabilang dulo ng malawak na kwarto, iba ang eksena.Ang living area ng suite ay ginawang Temporary War Room. Puno ng laptops, tablets, at mga papeles ang mesa. Nakaupo doon sina Gabby, Gabriel Sr., at Liam.Sa tabi nila, nakatayo si Cassie, kausap sa telepono ang Barangay Captain ng San Lorenzo Island."Opo, Kapitan," seryosong sabi ni Cassie sa telepono. "Kailangan ko ang tulong niyo. Ipadala niyo sa akin ang lahat ng litrato ng mga barko ng Imperial Steel na humarang sa p
Last Updated : 2026-02-19 Read more