Hindi ako umalis sa harap ng emergency room buong gabi.Kasama ko si Terrance, hindi ko na nga alam kung dapat ko pa ba siyang tawagingTahimik lang siya sa tabi ko, paminsan-minsan titingin sa akin, pero hindi nagsasalita. Ako? Wala na akong lakas magsalita. Pakiramdam ko, kapag nagbukas ako ng bibig, tuluyan na akong madudurog.“Sam, kain ka muna,” mahina niyang sabi habang inaabot ang kape at sandwich na binili niya.Hindi ako tumanggi, kailangan ko ‘yon. Kailangan kong magising, kailangan kong maging matatag.Tahimik akong kumagat, pero parang walang lasa ang lahat. Parang wala na akong maramdaman kundi takot.Yung ilaw sa ibabaw ng emergency room, yung pulang ilaw, parang sumisimbolo sa buhay ng taong nasa loob, at ayokong mamatay ‘yon.Hindi siya pwedeng mawala! Hindi ngayon, hindi kailanman.Napansin ni Terrance na halos hindi ko na iniinom yung kape ko, kaya inabot niya yung kanya. “Uminom ka pa. Kailangan mo ng energy.”Hindi ko na siya pinagtalunan, tinanggap ko.Kahit sa lo
Baca selengkapnya