Maaga pa lang, pero ang ingay na ng buong campus.Parang fiesta.Mga bata, takbuhan. Mga magulang, nagkukumpulan. May mga nagse-selfie pa sa gilid, habang yung iba naman busy na sa pag-aayos ng gamit.Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Sevi habang papasok kami sa classroom niya.“Mommy, ang daming tao!” excited niyang sabi, halos tumatalon pa.Ngumiti ako.“Of course, baby. Parent-child day today.”Pagpasok namin, agad kaming umupo sa assigned seats.Si Terrance… tahimik lang. Katabi ko.Pero ramdam ko yung presence niya.Yung init.Yung tension.Yung hindi namin masabi.Karga ko si Sevi sa kandungan ko, habang siya naman nakasandal sa dibdib ko, busy sa pagtingin sa paligid.“Mommy, look!” bulong niya, sabay turo sa ibang bata. “May dala silang toys!”Napangiti ako.“Focus muna tayo, baby.”Hindi pa ako tapos magsalita nang pumasok ang teacher.“Good morning, everyone!” masigla niyang bati.Nag-echo ang sagot ng mga bata.Ipinaliwanag niya agad ang mechanics ng event.“May iba’t iba
Baca selengkapnya