Hindi pa humuhupa ang ingay.Sa bawat screen—telebisyon, tablet, cellphone—iisa ang mukha. Iisang headline. Iisang pangalan na muling gumigising sa industriya.LEA HIMENEZ RETURNS—WITH MIGUEL GUERO BY HER SIDE.BILLIONAIRE CEO CONFIRMS: “SHE’S MY WIFE.”Sa loob ng isang linggo, naging usap-usapan ang pagbabalik nila. Hindi lang dahil sa pagkawala ni Lea. Hindi lang dahil sa biglaang kasal. Kundi dahil sa paraan ng pag-amin—walang paghingi ng paumanhin, walang pag-iwas, walang paliwanag na pilit.At ngayong araw, mas lalo pang lumakas ang ingay.Isang exclusive interview.Si Miguel Guero, mag-isa, sa harap ng kamera.Tahimik ang studio—malinis, elegante, kontrolado. Parang siya mismo. Nakaupo si Miguel sa itim na armchair, tuwid ang likod, magaan ang kilos. Walang bakas ng kaba. Walang tensyon sa balikat. Para siyang lalaking alam ang bawat tanong bago pa ito itanong.“Mr. Guero,” bungad ng interviewer, isang kilalang business journalist. “The industry has been buzzing since your revel
Last Updated : 2026-01-23 Read more