Sylviea’s Point of View “You must obey everything I say. Now strip, dance, seduce me... do it smoothly and ride!” Umalingawngaw ang mga malamig at mapang-alipustang salita ni Niro sa buong kwarto. Nakatayo siya sa paanan ng kama, nakatingin sa akin mula sa itaas, inaantay ang tuluyan kong pagkadurog. Inaantay niyang magmakaawa ako, umiyak, at lumuhod sa kaniya. Nanatili akong nakahiga sa kama. Hubad. Nanginginig. Inaasahan ko na panibagong hagulgol ang lalabas sa aking bibig. Inaasahan ko na muli akong magiging ang mahinang Sylviea na handang lunukin ang lahat ng sakit at pang-aabuso para lang sa kakarampot na awa. Pero wala. Walang luhang pumatak. Walang hikbing kumawala. Sa halip, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa isip ko, na unti-unting napalitan ng isang mainit na boltahe ng galit na gumapang mula sa aking dibdib patungo sa buo kong sistema. Pagod na ako. Sobrang pagod na ako! Yung limang taon pagod, takot, pag-iisa, pagdurusang naranasan ko! Hindi pa ba
続きを読む