Sylviea’s Point Of ViewNanginginig ang mga kamay ko habang ibinubuhos ang red wine sa dalawang mamahaling crystal glasses.Mula sa kusina, rinig na rinig ko ang maharot na tawa ni Clarissa sa sala.“Niro, you really are amazing. The way you handled the merger last week was brilliant,” malanding papuri ni Clarissa.“It's just business,” rinig kong sagot ni Niro.Kinuha ko ang silver tray at mabibigat ang hakbang na naglakad patungo sa kanila. Pagdating ko sa garden, parang pinipiga ang dibdib ko dahil sa nakita ko.Nakahilig si Clarissa kay Niro, ang isang kamay nito ay nakapatong sa dibdib ng lalaking mahal ko. At si Niro? Hinahayaan niya lang. Nakasandal siya sa ssa upuan, hawak ang isa niyang kamay, at direktang nakatingin sa akin habang naglalakad ako palapit.Tinitingnan niya ang reaksyon ko. Gusto niyang makita kung paano ako madudurog.“Y-Your wine po, Ma'am, Sir,” nanginginig na pabulong ko, maingat na inilalapag ang mga baso sa table.Kinuha ni Clarissa ang baso niya, pero sa
続きを読む